^

Pang Movies

Martin natuto nang mang-dedma ng mga basher

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi itinatanggi ng aktor na si Martin del Rosario na marami siyang naging frustrations sa kanyang career, lalo na kapag pinuputakti siya ng mga negative na comments tungkol sa kanyang kasarian.

Natuto na lang daw ang aktor na huwag pansinin ang mga ito at ipagpatuloy ang kanyang trabaho.

Ayaw niyang maapektuhan ng mga negative comment ang kanyang maayos na pagtrabaho bilang aktor sa TV at pelikula.

“Sa una, masasaktan ka pa eh… I would get a lot of comments about sexuality and may mga pictures ko na ididikit ako with another guy.

“Sa akin, wala… Sa simula, syempre maapektuhan ka kasi conscious ka pa sa bashers… hanggang sa masasanay ka na at dahil ang dami daming nag-co-comment, mapapagod ka rin,” diin pa ni Martin.

Kung noon ay nasasaktan siya sa mga bashers at haters. Ngayon daw ay hindi na dahil alam niyang kapag pinatulan niya ang mga ito, wala ring mang­yayari at nag-aksaya lang siya ng panahon at lakas.

“Sa mga ganyan, mas matututo kang maging strong.

“Kung kilala mo naman ‘yung sarili mo and alam mo naman ‘yung ginagawa mo, ba’t ka magpapa-apekto, ‘di ba?

“Malilimatahan pa ‘yung craft mo. Kung may sasabihin sa ‘yo about sexuality, ili-limit ko ‘yung sarili ko from doing gay roles.

“No, ayaw ko ng ganun so wala, just ignore them.

“Siguro some of the best comments I’ve received was kapag sinasabihan ako na magaling ‘yung performance ko sa isang project.

“It inspires me to do better. May fulfillment sa sarili mo dahil ako, pinagbubutihan ko talaga yung pag-arte kasi gusto ko yung ginagawa ko and siguro those positive comments are affirmation na at least natutuwa mga tao sa ginagawa ko,” ngiti pa niya.

Kabilang nga si Martin sa maraming celebrities na sinusuportahan ang campaign against cyber-bullying. Gusto nilang ibahagi ang mensahe na nakakasakit ang mga salitang sine-send nila via social media na akala nila ay wala lang.

Direk Joel iwas na sa mabibigat na pelikula

Simula noong magkaroon ng heart problem si Direk Joel Lamangan, iniwasan na niya ang magdirek ng maraming mabibigat na pelikula at mas gusto niya ang mga light romantic-comedies na lang.

Ayaw na raw niyang ma-stress at inaalagaan na niya ang kanyang kalusugan.

“Kaya malaki na ang pinagbago ko. Hindi na ako palasigaw sa set unlike noon.

“Ayokong magkasakit na. Mahirap ang may sakit. Kaya iwas ako sa mabibigat na tema ng pelikula. Paminsan-minsan na lang, lalo na kapag maganda ang material.

“Pero mas prefer ko ang mga comedies kasi madali lang siyang gawin at hindi stressful. Lalo na kapag ang mga katrabaho mo ay magagaling at hindi mo na poproblemahin ang pag-arte nila,” ngiti pa ni Direk Joel.

Ang latest gay comedy nga ni Direk Joel ay ang That Thing Called Tanga Na sa ilalim ng Regal Entertainment na tungkol sa iba’t ibang klaseng relasyon ng mga bading ngayon. Tatampukan nito sina Eric Quizon, Kean Cipriano, Martin Escudero at Angeline Quinto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with