^

Pang Movies

Boyet aminadong natikman na ang lahat ng klase ng drugs

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Former President and now Manila Mayor Joseph Estrada sponsored the weekend Catholic Life in the Spirit Seminar (CLSS) by the Oasis of Love Catholic Charismatic Community, for almost 150 participants na ginanap sa Bulwagang Antonio Villegas ng Manila City hall. Ang Oasis of Love ay founded by Christopher de Leon na hindi tumangging mag-share ng buhay niya kung paano siya binago ng Diyos.

“Wala nang kumukuha sa akin noon para bigyan ng project dahil lulong na ako sa drugs, lahat na yata ng klase ng drugs, natikman ko,” part ng sharing ni Bro. at biro pa niya, “Siguro kung ngayon ko ginawa iyon, nakakulong na ako. But God is so good, binigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon, isang ga­bing umiiyak akong nakaluhod sa aking room, dahil iniwanan na ako noon ni Sandy (Andolong, his wife) at dalawang anak namin, na-realize ko lahat ng mga pagkakamali ko. Tinawagan ko ang mga friends ko sa industriya, sabi ko samahan nila ako sa isang seminar sa Baguio, sumama naman sila at doon nabuo ang Oasis of Love.”

Pero kahit daw nag-360 degrees turn siya at bumalik na sa dati ang kanyang pamilya, nagkaroon na muli siya ng mga trabaho, patuloy na dumarating ang mga pagsubok. Na-diagnose noon na may kidney malfunction si Sandy, sumunod ay nalaman din nilang may fourth stage na ng lung cancer ang second son nilang si Miguel na naka-base na noon sa San Francisco, California.

Sa tulong ng brothers and sisters sa Oasis of Love at mga prayer groups ng friends nila, they stormed heaven at hiningi nila sa Diyos ang paggaling ni Miguel. Ngayon, si Sandy ay magaling na after ng kidney transplant at back to work na. Ipinakita rin niya sa kanyang cellphone kung gaano na ka-healthy si Miguel na sabi niya, mas malaki pa ngayon sa panganay niyang si Ian de Leon.

Umalis kahapon si Bro. Boyet for a week-long vacation sa New Zealand para dalawin niya ang first apo niya sa panganay nila ni Sandy na si Rafael Sandino.

May dalawa rin siyang ginagawang movies ngayon pagkatapos ng sunud-sunod niyang teleserye sa GMA, ABS-CBN, at TV5.

Kakaibang istorya ng Koreanovela mapapanood na

Eagerly awaiting na ang fans ng Koreanovela na isinalin sa Tagalog, sa pilot episode mamaya ng Descendants of the Sun na magtatampok kay Song Hye-Kyo, isang magandang doctor na si Maxine at ng gwapong sundalo na si Lucas Yoo (Song Joong-ki).

Mapapanood ito pagkatapos ng Encantadia sa GMA 7. Bukod daw sa love story sa gitna ng digmaan, isa pang magugustuhan dito ay ang cinematography at shooting locations.

Ano ba talaga ate Kris nakipag-meeting sa director ng GMA!

Matapos purihin ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang first movie together nina Alden Richards at Maine Mendoza na idinirek ni Mike Tuviera, na-intriga na naman ang mga nakabasa ng post niya sa kanyang Instagram account na kasama niya sa picture si Direk Mike at ang ama nitong si Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment, Inc. with a caption na: “I had an exciting merienda meeting with Direk Mike Tuviera and Mr. T himself, Tony Tuviera (sa sobrang daming napagusapan uma­bot kami sa dinner).”

Privy naman this time si Kris kung ano ang napag-usapan nila. Ano raw kaya ang napag-usapan, dahil wala pang follow-up ang balita noon na muling pipirma ng contract si Kris sa Kapamilya network.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with