^

Pang Movies

Jodi hardcore preacher na!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Gusto pa lalong madagdagan ang kaalaman ni Piolo Pascual tungkol sa kanyang faith kaya nag-take siya ng short course na Christian Apologetics sa Oxford University sa England kasama sina Hayden Kho and Jodi Santamaria.

“That’s just a short course, there’s a 5-month-course, and there’s a yearly course, it’s just an introduction to the Apologetics course which is a Christian study,” the actor shared.

Pinuri niya nga si Jodi na napaka-hardcore raw kaya pinaalalahanan niya.

“She’s very strong, very hardcore. Sabi ko nga sa kanya, ‘relax ka lang, ha, alam mo naman ang tao, minsan, they get turned off or they get slighted when you preach to them, so keep it cool’. Sobra talagang.. ‘yung faith niya is really strong and I admire her for that,” sey ni Papa P.

Sobrang nakatulong daw sa kanya ang pag-aaral niyang ‘yun for his faith.

“Okay siya, I learned a lot, it’s nice to go back to school, wake up early each day with an ID. And just sitting the class and taking whatever lesson you can learn from all the classes that we had. So, it’s very helpful for my faith and my walk.”

Piolo explained kung ano ba ang Christian Apologetics.

“It’s defending your faith, knowing about how to defend your faith and live your life now and of course, with what’s happening around us, marami tayong mga questions and we tackle so many different scenarios and situation that are happening around now.

“It’s just really knowing about where you are in your life and what to know about the current situation na nangyayari sa paligid natin. Apologetics, it’s a Christian study,” paliwanag pa ni Papa P.

As we all know, si Piolo ay matagal nang renewed Christian at very active siya sa kanyang relihiyon.

Angeline bilib sa pagiging OA ni Maricel

Sobrang thankful ni Angeline Quinto na binigyan siya ng movie project ng Regal Films, ang That Thing Called Tanga Na na isang comedy gay film.

Ayon kay Angge (tawag kay Angeline), feel na feel daw niya talaga ang mga comedy films noon pa dahil idol na idol niya si Maricel Soriano.

“Na-share ko nga kay Direk Joel (Lamangan) na sobra ko pong idol si Maricel Soriano sa lahat ng mga comedy films na ginawa niya noon. Siya po ‘yung isa sa mga inspirasyon ko kapag guma­gawa ako ng mga ganitong project na kailangang maging masayahin, nakakatawa, OA.

“Sabi ko nga, before pa si Ate Vice (Ganda) talaga, si Ms. Maricel na ‘yung iniidolo ko po. Kaya ‘yung nagsu-supervise sa amin sa dubbing, ilan sa mga sumikat talaga na movie Ms. Maricel Soriano, siya talaga ‘yung nagbantay din.

“Kaya nakakatuwa. Hindi ko po maipaliwanag ‘yung tuwang nararamdaman ko ngayon na ‘yung parang mga pangarap ko talaga, unti-unting lumalapit sa akin.

“Si Direk Joel, napaka-supportive kahit na first time naming magkatrabaho. Na kapag may hindi ako naiintindihan or pag mayroon akong hindi nagagawa na gusto niya na gagawin ko, ayos naman po agad sa kanya,” say ni Angeline.

Showing na ngayong Aug. 10 ang That Thing Called Tanga Na at kasama rin dito sina Eric Quizon, Martin Escudero, Kean Cipriano at Billy Crawford.

Kean na-enjoy ang kabaklaan

Bagong experience para kay Kean Cipriano ang kanyang role sa pelikulang That Thing Called Tanga Na ng Regal Entertainment. He’s playing C.C., isang gay fashion designer.

When asked kung hindi ba siya nahirapan sa pagganap na bading, aniya ay nag-enjoy pa nga raw siya.

“Ako, for some strange reason nung ginagawa namin ito, though sa simula naman talaga nung project, kumbaga nag-usap naman kami ni Direk Joel (Lamangan), nagtanong din naman ako kung anong klaseng gay ba ‘yung character ko, si C.C., binasa ko rin ‘yung script kung ano ba ‘yung flow niya, naghanap din ako ng peg sa sarili ko and nag-research.

“Pero nu’ng sinabi sa akin ni Direk Joel na ganitong klase siyang gay, sabi ko, ‘ah okay sige, gawin natin,’” pahayag ni Kean.

Dahil nga bago ito sa kanya, talagang pinag­handaan daw niya ang role at sinamahan na rin niya ng pagdarasal.

“Coming from the music industry, sa rock and roll side of the world, ‘di ba, parang iba rin siyang preparation. Like, may prayers na kasama, nagpi-people watching ako.

“Pero naniniwala kasi ako na every character I do merong certain piece yon of me, inilagay ko yon sa character ko.

“So ako, I admit, nu’ng ginagawa ko yung role na ito, sobra ko siyang nai-enjoy. Nagulat ako kasi ‘uy, ba’t nai-enjoy ko ‘tong role na ito?’ Nakakatuwa siya kasi bago siya sa akin. Challenging siya for me at saka ibang experience din na at one point in my life gay ako, di ba?” sabi pa ni Kean.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with