^

Pang Movies

Aicelle bitbit hanggang sa raket ang dyowang reporter!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nasa Singapore na ngayon si Alden Richards para sa concert niyang One Fine Day with Bae sa Kallang Theater, 1 Stadium Walk, mamayang 1:00 p.m. Kasama ni Alden na magpapasaya sa mga kababayan natin sa Singapore sina Aicelle Santos (na kasama ang boyfriend na si Mark Zambrano) at Kim Idol. 

Umalis kahapon si Alden pagkatapos ng Eat Bulaga na ginanap ang grand finals ng Trumpet Challenge. Dumating last Friday afternoon ang nagpasikat ng Trumpet dance na si Sak Noel from Spain kaya kinagabihan, nag-rehearse na rin sina Alden at Maine Mendoza dahil sila man ay nakipag-challenge din kay Sak Noel.

Bago rin umalis si Alden kahapon, nagpasalamat siya sa lahat ng nakakuha na ng copy ng kanyang book na Alden In My Own Words na itinuring niyang isang special project. 

Mabilis na naubos ang first delivery ng book sa selected book stores na nagkakahalaga lamang ng P250 ang isang copy. 

Magkakaroon ng launch and autograph signing si Alden ng kanyang book sa Eastwood Activity center in Libis, Quezon City sa August 14.  Pero ang AlDub Nation, nagtatanong din kung kailan naman gagawa ng kanyang book si Maine?

Encantadia may replay

Labis-labis ang pasasalamat ni Direk Mark Reyes, ang cast at ang buong production staff ng Encantadia, sa mga sumubaybay sa pilot week nila at nagbigay sa kanila ng mataas na rating, kaya bilang pagbabalik sa kanila, muli nila itong ipalalabas ngayong Sunday morning, after ng I-Bilib sa GMA 7. Titled Encantadia: Master IVI (Ang Pagbabalik).

Dagdag pang pasasalamat ng Encantadia, may mall show naman sa SM City Rosario mamayang 5:00 p.m. sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Ruru Madrid, Rocco Nacino, Pancho Magno, Klea Pineda, Migo Adecer. Mikee Quintos, Carlo Gonzalez, James Teng at Kate Valdez.

Christian hawak ang lihim sa Encantadia!

Mukhang tuluy-tuloy na si Christian Bautista sa pag-arte kasabay ang pagkanta. Muling pumirma ang tinaguriang Asia’s Romantic Balladeer ng another exclusive contract with GMA Network. Christian is welcomed by the big bosses of GMA Network headed by Atty. Felipe L. Gozon, GMA Chairman and Chief Executive Officer.

Ayon kay Christian, naging fruitful ang three years niya with GMA ipinagmamalaki niya ang mga accomplishments niya, na nabuo ang talent niya in acting and hosting. Dream come-true sa kanya na napasali siya sa number one telefantasiya, ang Encantadia kaya talagang pinagbuti niya ang audition dito. Gumaganap siya bilang si Apitong na may hawak ng isang lihim ng Encantadia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with