^

Pang Movies

Angeline hindi nagpasindak kay Direk Joel!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pagkatapos na gumawa ng kung ilang napakaseryosong indie film at isang period na religious movie na sinasabi nga ni Direk Joel Lama­ngan ngayon na “napakahirap gawin”, malaking relief talaga sa kanya ang comedy film na That Thing Called Tanga Na.

Una, sinasabi nga niya, ito na ang ikalimang gay comedy film na nagawa niya, at lahat naman iyon ay naging hit. Mayroon pa ngang nanalo ng awards. Kaya nga siguro natural lang na basta gay comedy film, ang unang maiisip ay si Director Joel Lama­ngan.

“Life story iyan eh. Lahat ng characters diyan ako,” sabi ni Direk Joel.

Ibig niyang sabihin ang lahat ng characters sa pelikula ay nilikha niya base doon sa kung ano ang gagawin niya kung dumating ang sitwasyon na kagaya ng nasa script.

Ginawa na raw kasi ang script ng That Thing… bago siya kuning director. Talagang may project na at siya lang ang pinagawa.

Pero ang nakatuwaan talaga ni Direk Joel diyan sa That Thing Called Tanga Na, ay ang kaisa-isang artistang babae sa pelikula ay si Angeline Quinto.

Nasanay na raw kasi si Direk Joel na pagdating niya sa set, ang mga artista niya lalo na kung una niyang makaka-trabaho ay takot sa kanya. Pero si Angeline daw ay hindi natakot. Sa simula pa lang sinabi na sa kanya na baguhan siya bilang artista at marami pa siyang kailangang matutuhan.

“Tapos tatanungin niya ako, direk ano gagawin ko dito sa eksenang ito? Alam mo walang artistang nagtanong sa akin nang ganyan. Naghihintay lang sila kung ano ang sasabihin ko. Kaya nga natuwa ako kay Angeline kasi ang nakita ko sa kanya, gusto talagang matuto. Gusto niyang mapadali ang trabaho naming lahat,” sabi ni Direk Joel.

Pero nang tanungin namin si Direk Joel kung sa palagay niya used up na ang lahat ng kanyang ideas sa gay comedy, ang sagot niya sa amin, “Hindi pa rin”.

Encantadia malaki ang investment sa computer graphics

Medyo malayo nga iyong Encantadia ngayon kaysa sa nauna nilang teleserye 11 years ago. Nga­yon iyong character ni Dingdong Dantes, nakara­ting sa modern times para itago ang kanyang anak. Mayroon kaming iniisip diyan.

Ano kaya ang talagang takbo ng kuwento, mayroong time travel, o iyong Encantadia ay iyong tinatawag na nasa “middle earth” o nasa ibang dimension. Mag-iisip ka rin eh.

Hindi lang dalawa kung ‘di maraming kuwento ang tiyak na susulpot diyan. Palagay namin mas maganda kung defined lahat. Time travel ba ang takbo o “middle earth”. Kahit naman alin sa dalawa ay puwede.

Pero hinahangaan talaga namin iyong kanilang computer graphics, o tinatawag ding opticals. Hindi namin sinasabing mahirap iyang gawin, pero napakagastos. Hindi nila sinasabi, pero palagay namin ang gastos diyan sa Encantadia ay katumbas ng limang teleserye.

Pero hindi umaming bading baguhang aktor aminadong nagpapagamit sa mga bakla

Inamin ng isang male newcomer na natulungan siya ng mga bakla sa kanyang career.

Palagay namin ay totoo naman. Bukod sa tulong sa kanyang career, at dinadala pa siya sa ibang bansa, sinisigurong lagi kang may pera sa bulsa kahit na wala ka pang projects. Ihahanap ka pa ng iba pang mga “kaibigang makakatulong sa iyo”.

Pero hindi inamin ng male newcomer na siya rin ay gay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with