^

Pang Movies

Magkayakap na picture ng mag-amang aktor pinalagan ng mga ma­lisyoso

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakakaalarma ang lumabas na picture ng mag-amang artista sa social media. Nalalagyan kasi ito ng malisya lalo na nang nakayakap ang anak sa dibdib ng amang nakahiga nang patihaya at nakatingin ang aktor sa kamera.

Eh sa mga dudero’t dudera sa showbiz, ayaw nilang maniwala na totoong anak ng aktor ang binata. Hindi kasi masyadong magkahawig ang dalawa.

Dalawang netizen ang naglabas ng picture sa Twitter. Binahiran nila ng masliya ang caption nito.

Who knows, baka eksena ito sa coming project nila na hindi pa sinisimulan ang publicity, huh!

Ingat lang sila sa aktor dahil hindi siya takot magdemanda kapag pagkatao na niya ang nililibak much more dina­damay ang anak niya, huh!

Show nina Michael V at Iya tsugi na, papalitan ni Jennylyn

Nag-last taping na ang Lip Sync Battle ng GMA. Franchise ito at sina Michael V at Iya Vilania ang hosts.

Pero wala pang chika kung kelan ang last telecast nito. Ang balita kasi namin, ang papalit na show ay sa September pa ang simula kung walang changes sa plano ng network.

Original concept ang papalit sa LSB. Labanan din ito pero continuing dahil may grand winner na tatanghalin sa final episode. Ang dinig namin, si Jennylyn Mercado ang mag-hu-host ng programa at solo niya lang ito.

Ang programa ay isa sa nakalinyang shows ni Jen after na mag-renew siya ng contract sa GMA. Habang wala pang taping, ang cooking show na Everyday Sarap With CDO muna ang pinagkakaabalahan ng Ultimate Star.

Yasmien ayaw matulad kay Sunshine

Piloto rin ang asawa ni Yasmien Kurdi gaya ni Sunshine Dizon. Pero kung masalimuot ang relasyon ni Shine sa asawa, walang kontrobersiyang kinasangkutan kahit minsan si Yas sa asawa.

Eh bago magpakasal, long distance relationship ang nangyari sa asawa nila. Pero heto at intact pa rin ang pamilya nila.

Rason ni Yasmien sa sikreto ng strong at lasting relationship, “Siguro res­pect, trust and loyalty. Ne­ver kaming nagkaroon ng issue. Hanggang nananatili si Lord na sentro ng aming relasyon at nandiyan ang love sa aming anak, hindi namin hahayaang masira ang aming pamilya.”

Hindi rin kasi kontra ang asawa ni Yasmien sa career niya. Balanse rin kasi siya sa career at pamilya kahit may series na Sa Piling ni Nanay si Yasmien.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with