^

Pang Movies

Piolo at Juday walang kasiguruhan ang balikan sa pelikula!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Coincidence lang kaya, Salve A., na bagama’t  wala pang assurance kung magkakaroon ba ng reunion movie sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos, heto at isang Santos ang nakatakdang maging leading lady ni Piolo sa first movie na gagawin niya with Regal Entertainment na isu-shoot sa New Zealand.

Si Yen Santos, of course, ang tinutukoy namin na bagong Santos sa buhay showbiz ni Piolo.

Dating boarder ni Kuya sa Pinoy Big Brother (PBB) si Yen at nagkaroon ng break sa showbiz via Pure Love, kung saan nakasama niya sina Alex Gonzaga, Arjo Atayde at Joseph Marco.

Naging leading lady din siya nina Albert Martinez at JM de Guzman sa seryeng All of Me.

Of Piolo, he is reunited with Judy Ann via the Sun Life Financial latest campaign, dubbed Money for Life.

Fellow endorsers nila sina Charo Santos at Matteo Guidicelli.

Bong handang magpakalbo para kay Bato!

Excited si former Senator Bong Revilla, Salve A., nang ipaalam namin sa kanya, ang proposal ng marami na siya ang dapat maging bida, kapag isina-pelikula ang buhay ng kasalukuyang maituturing na “hero of the hour” ng Philippine National Police (PNP), si General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Of course, ‘di pa nami-meet ni Former Senator Bong si General Bato.

But somehow, may ideya na siya kung ano ang hitsura nito at kung paano ito umarangkada, wika nga sa trabaho.

Tiyak ng mga kausap ni Senator Bong, who incidentally, included comedian-TV host, Jimmy Santos na ang pelikulang ito ang maghuhudyat ng pagbabalik ng action films, na na-miss na ng moviegoers.

For the movie, obvious na willing si Sen. Bong na magpakalbo, dahil ang pagiging kalbo nga ang trademark ni General Bato.

Cai at Tunisian na asawa pakakasal din sa Africa

Isang Tunisian pala ang napangasawa ng komedyanteng si Cai Cortez na unica hija ng aktor na si Rez Cortez at ng asawang si Candy.

Tunisian ang tawag sa mga taga Tunisian Republic sa North Africa.

Pero ang lalaki ay naka-based dito sa Pilipinas.

Ikinasal si Cai at ng asawa nito ni Manila Mayor Joseph Estrada sa kanyang opisina sa Manila City Hall.

Isa sa malalapit na aktres kina Rez at Candy ang present during the wedding of their daughter ay si Luz Valdez.

Ayon kay Luz, ikakasal muli ang mag-asawa sa Tunisia, dahil hindi nakadalo sa seremonya ang mga magulang ng lalaki.

Pero, na-meet na raw ang mga ito nina Rez at Candy, ayon kay Luz dahil pumunta raw ito sa Pilipinas para mamanhikan.

Dahil nga sa Pilipinas maninirahan ang mag-asawa, dito nagta-trabaho ang lalaki, patuloy sa kanyang pag-aartista si Cai.

She is in the reported blockbuster movie, Ima­gine You and Me, starring Alden Richards at Maine Mendoza.

Loisa dalawa ang ka-love team

Napapanood sa patuloy na umaarangkada sa ra­ting na series, Be My Lady, bago ang ABS-CBN noontime musical show na It’s Showtime, si Loisa Andalio.

Kasama niya sa show ang dati ring housemate ni Kuya na si Yves Flores.

Naunang naisalang si Yves sa Be My Lady, bilang younger brother ng bidang babae na ginagampanan ni Erich Gonzalez.

Si Daniel Matsunaga ang leading man ni Erich sa serye.

By the way, do you know na magka-batch sina Daniel at Loisa sa PBB kung saan si Daniel ang nanalo?

Tuwing Sunday bago ang Rated K, bida si Loisa, kasama si Jerome Ponce sa episode na Candy’s Crush ng Wansapanataym.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with