^

Pang Movies

Young actress natutunan agad ang ‘art of dedmatology’!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagsungit ang isang young actress (YA) sa ilang taong nakatunog na may taping siya ng teleserye sa Maynila. Nais magpakuha ng picture kay YA ang nasabing tagahanga niya pero sinungitan daw sila at hindi nagpakuha ng picture.

Nag-discriminate kasi si YA sa grupo na ‘yon. Nakita kasi nilang nagpakuha ‘yung ibang tao na nanonood ng taping pero pagdating sa kanila eh, nag-inarte na, huh!

Buti pa raw ang co-stars ng young star, eh very accommodating sa pagpapakuha ng litrato kahit hindi masyadong sikat. Pero si YA, natuto na ng art of dedmatology, huh!

Yen level up, si Piolo agad ang magiging leading man

Masuwerte si Yen Santos dahil siya ang makakaromansa ni Piolo Pascual sa gagawing movie ng aktor sa Regal Entertainment, ang Once In A Lifetime kung hindi babaguhin ang title.

Actually, may basbas din ng Star Cinema ang paggawa ng project ni Piolo. Sumosyo na rin ito pati na ang Spring Films ni Piolo.

Ibinalita rin ni Roselle Monteverde na magkakaroon ng shooting sa New Zealand at sa Agosto ang biyahe roon. Si Dondon Santos ang napiling director at ten days silang mamamalagi sa NZ.

Honored siyempre ang mag-inang Lily at Roselle dahil mas pinili ni Piolo na sa kanila makipag-joint venture ng pelikula. Si Yen naman, talbog ang mga ak­tres na naghahangad maka­trabaho ang premyadong aktor.

Parang matutuluyan na Martin enjoy sa wig at kolorete sa mukha

Tanging si Martin Escudero lamang ang mujeris­ta sa apat na aktor na bida sa hugot comedy movie na That Thing Called Tanga Na ng Regal Entertainment. Pormal na ba­ding na laywer si Eric Quizon, habang closet security guard si Billy Crawford, designer si Kean Cipriano na bongga rin ang damit pero hindi pang-girl.

Feeling tuloy ng press na dumalo sa grand presscon, papunta na sa pagiging totoong bading si Martin dahil sa galing niya.

“Ha! Ha! Ha! Baka nai-enjoy ko lang po. Para sa akin, bukod sa pagbabasa ko ng script, kasi sa akin, ang pinakamatagal ay ang paghahanda dahil nga sa costume.

“Para sa akin, ‘yung magic, nag-uum­pisa na ‘pag inaayusan na ako. ‘Pag mine-make-up-an na ko, nagdadamit pam­babae. Nilalagay na ‘yung mahabang kong buhok! ‘Yun na ‘yon eh.

“Kinakain ako ng wig! Parang, “Sino ka? Hindi kita kilala?’ Doon na mag-uumpisa ‘yon! Ha! Ha! Ha!” lahad ni Martin.

Eric ini-enjoy ang pagiging bading

Sa parte ni Eric, hindi na bago ang gumanap na bading. Pusong Mamon ang una niyang gay role na si Joel Lamangan din ang director. Nasundan ito ng Happy Together, Markova at iba pa.

“Basically, it all boils down to one, you have to trust your director. Joel and I have very good relationship in terms of actor-director. I trust him, he trusts me. So I think, ‘yun ang pinakaimportante, your director feels very confident about you. I think it all stems from that.

“The moment direk Joel told me, ‘I want you to do this role.’ Right there and then, alam mo na, ‘Ay kailangang galingan ko ito.’ I know Direk Joel trusts me.

“At the same time, if you have a character like this, you have to enjoy it. You cannot go wrong in doing this character. They will not question you.

“Gays are basically masaya kaya gays. You just have to enjoy your character! That’s what I did!” paliwanag ni Eric sa muling pagtanggap ng role na bading.

Nasa male leads din sina Kean Cipriano at Billy Crawford habang si Angeline Quinto ang nag-iisang tunay na girl!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with