^

Pang Movies

Parang sa kasalan ang tuloy, KC lantad na lantad ang relasyon kay Aly Borromeo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kung may mga kumokontra, may mga boto naman sa love affair ni KC Concepcion at ng football player na si Aly Borromeo.

Marami ang nagsasabi na bagay na bagay ang dalawa dahil habang tumatagal, nagiging magkamukha na sila.

Baka nga raw sina KC at Aly ang magkatuluyan dahil sa matandang kasabihan na humahantong sa forever ang relasyon ng mga nagmamahalan na mag-kalokalike.

In fairness kay Aly, good-looking siya at hindi naman halata ang defect sa mukha niya na naayos sa pamamagitan ng operasyon.

Open na open si KC sa paglalabas ng mga picture ng bakasyon nila ni Ali na patunay na talagang nabihag ni Aly ang puso niya.

Naging item noon sina KC at Paulo Avelino pero never na naging open ang dalaga tungkol sa tunay na relasyon nila. Si Paulo pa nga ang unang nagsalita sa TV tungkol sa special friendship nila ni KC na nauwi rin sa wala.

Video scandal tuloy ang pagkalat, Martin Escudero nagpapatulong sa NBI

Para sa makumbinsi ang public na hindi siya starring sa isang video scandal na naging viral, ibi­nalita ni Martin Escudero sa presscon ng That Thing Called Tanga Na na lumapit na sila ng pamilya niya sa National Bureau of Investigation para matukoy ang nagkalat ng video na hindi naman siya ang bida.

‘Yun ang tanging paraan na naisip ni Martin para malinis niya ang kanyang pangalan na pilit na isinasangkot sa video scandal.

Ang tanong, mahuli na kaya ang source ng video? Year 2009 pa nang kumalat at pagpasa-pasahan ang mga video scandal ni Hayden Kho, Jr. pero hanggang ngayon, unsolved pa rin ang kaso dahil hindi pa natutukoy ng PNP ang culprit.

Inilapit din noon nina Paolo Bediones at Chito Miranda ang mga kaso nila sa NBI pero hindi pa ito nagkakaroon ng closure. Kumalat din ang mga sex video scandal nina Paolo at Chito na mapapanood pa rin sa mga adult site sa Internet.

PNP Chief Bato bagong idol ng masa

Hindi na maabot si PNP Superintendent Ronald “Bato” dela Rosa dahil all over siya sa TV at radyo.

Mula nang maupo sa puwesto si President Rodrigo Duterte, naging maingay na rin ang pangalan ni Bato pero in a positive way.

Very generous ang bagong PNP Chief dahil pinagbibigyan niya ang lahat ng mga imbitasyon sa kanya sa TV. Umapir siya sa Unang Hirit at lumabas sa It’s Showtime.

Hindi ako magtataka kung isadula na rin ang makulay na life story ni Bato sa Maalaala Mo Kaya o Magpakailanman dahil idol na idol siya ngayon ng masa.

Marami ang bumilib kay Bato nang harapin niya ang mga notorious drug lord sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa kaya lalong dumami ang kanyang mga tagahanga at supporter.

DJ Durano tiyuhin daw si Pres. Duterte, Cesar pinsan ang tawag kay Bato

Buhat nang maluklok sila sa kanilang mga puwesto, lumitaw ang mga kamag-anak nina Papa Rody at Bato.

Ang sey ni DJ Durano, tiyo niya si Papa Rody dahil pinsan ito ng kanyang fadir na Duterte ang middle family name.

Matunog na pinsan naman ang tawag ng magkapatid na Cesar at Rommel Montano kay Bato pero hindi pa nila sinasabi kung paano sila nagkaroon ng kaugnayan sa matapang pero funny na hepe ng PNP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with