Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ayaw masapawan sina Piolo at John Lloyd, Luis hindi interesadong mag-drama

Luis Manzano

Naku, Salve A., itong si Luis Manzano, ‘di mo alam kung kailan seryoso o kung kailan nagloloko.

Tinanong siya during the presscon ng kanyang bagong show, Minute To Win, the Last Man Standing, kung bakit hindi siya gumagawa ng movie. O, kaya, teleserye. Or, just a TV show, dahil napatunayan naman na niya na nakakaarte din naman siya, considering that he earned himself a best acting trophy for his performance in In My Life, kasama ang inang si Vilma Santos at John Lloyd Cruz with direk Olive Lamasan at the helm, at ang sagot niya, “Baka, pagnagkataon, mawalan ng trabaho sina Piolo Pascual, John Lloyd and company.’’

Na ikinatawa ng mga press, dahil alam nilang nagbibiro lang si Luis.

Kung sa bagay, kung seseryosohin ni Luis, puwede siyang maging magaling na artista, tulad ng kanyang ina at amang si Edu Manzano.

Alam n’yo ba na siya ang original na gaganap sa role na ginampanan ni Xian Lim sa pelikulang Everything About Her, na first movie together nina Vi and Luis’ ex-girlfriend, Angel Locsin?

He begged off, though. Tulad ng Everything About Her, he also politely give up the chance to star in a regular sitcom sa isa ring kilala ring actress.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

As it is, kung sabagay, busy na kumbaga si Luis, dahil bukod sa Minute To Win, host din siya ng dalawang reality programs, Family Feud at The Voice Kids, both aired Saturdays and Sundays. Sunday noontime, napapanood din siya sa ASAP Live.

Ashley Burton panggulat ang akting sa Dukot

Insignificant as it may appear, ang role na ginampanan ng child actress na si Ashley Burton sa pelikula na Dukot, kung saan gumaganap si Enrique Gil bilang isang kidnap victim, na hindi puwedeng ‘di mapansin at hangaan ng manonood.

Kahit pitong taong gulang pa lang, pinatunayan na ni Ashley na hindi importante kung gaano katagal ang role na iyong ginagampanan, kundi kung paano mo ito bibigyan ng katarungan.

Hindi namin idi-detalye kung ano ang specific na role ni Ashley. But it’s a “must” that all awards giving body should take note of her performance.

Directed by Paul Soriano and co-produced by Star Cinema at Ten 17 Films, also starring in Dukot, aside from Enrique and Ashley, ay sina Christopher de Leon, Ricky Davao, Shaina Magdayao, Bing Pimentel, Bangs Garcia, the Medina brothers, Ping and Alex and Hazel Orencio, who plays Ping’s wife and Ashley’s mom.

Kiray pagsasabayin sina Ejay, Jake, at Joseph!

Guess kung ilang leading men magkakaroon si Kiray Celis sa kanyang upcoming movie with Regal Entertainment?

Tatlo, sina Ejay Falcon, Jake Cuenca at Joseph Marco.

Ang tatlo ay nagkasama sa seryeng Pasion de Amor.

Will Kiray have kissing scenes with all three of them?

Abangan.

Abangan din ang katuparan ng pangarap ni Kiray na makasama sa isang project ang crush niya, noon pa man at hanggang ngayon, si Sam Milby.

Melai at Jason, steady na ulit ang pagsasama

Kahit pa raw matapos na ang kanilang first series together, We Will Survive, mananatili silang magkaibigan, ayon kina Pokwang at Melai Cantiveros.

“I owe her a lot,” sabi ni Melai kay Pokwang. “Ayos ang naging pangaral niya, kung bakit lalong naging ideal ang pagsasama namin ngayon ni Jason (Francisco, her husband of nearly three years).”

Happy din daw si Melai na matutupad na ang pangarap ni Pokwang na makasal na sa lalaking kanyang mahal.

Nasa bansa si Lee O’Brian, ang fiancé ni Pokwang  at nakapareha ng aktres sa isang pelikulang produced by The Filipino Channel (TFC), at sabay silang pupunta sa pamilya ni Lee para makilala ang mga ito.

Yes, next year, ikakasal na si Pokwang.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: