^

Pang Movies

Nora inuna ang padasal ng kapatid kesa sa shooting

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi totoong inindyan ng Superstar na si Nora Aunor ang shooting ng indie film titled Tuos together with Barbie Forteza. Nakiusap daw si Guy na may padasal ang pamilya niya para sa yumaong kapatid na si Buboy kaya umuwi siya ng Bicol. Nabuhos talaga ang panahon ni Guy sa minamahal na kapatid at dahil mabait si Direk Cabrido ay pumayag itong lumiban ang Superstar sa shooting.

Maganda ang role ni Guy sa Tuos kung saan napasayaw pa siya sa isa sa mga eksena noong mag-shooting sila sa Iloilo.

Fans nina Carla at Tom nawalan na ng gana?!

Ano ba ‘yan, parang hindi na yata excited ang mga tagahangang naghihintay sa pelikulang pagtatambalan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil masyado raw kasi silang binibitin. Sayang naman at marami pa namang tagahanga ang dalawa. Kaliwa’t kanan na kasi ang mga tambalan ngayon kaya ‘di dapat masyadong paghintayin ang fans.

Alden at Maine may pressure na mabawi ang ginastos sa Italy

May mga curious ang nagtatanong kung ano naman daw kaya ang mapapanood nilang bago kina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang pelikulang Imagine Me & You. Hindi naman kaya parang kalyeserye lang daw ito at sa Italy lang kinunan ang mga eksena? Araw-araw kasing napapanood ang dalawa sa Eat Bulaga kaya dapat daw ay may bagong ipakita ang dalawa sa kanilang pelikula. Dapat daw kumita ng malaki ang Imagine Me & You para makabawi sa gastos ng pagpunta nila sa Italy.

Maraming artista hindi makalimutan ang pagbisita sa Jaen

May mga artistang naimbitang mag-motorcade sa Jaen, Nueva Ecija noon ang mga bumabati sa nanalong first lady mayor na si Mayora Sylvia Austria. Hindi makakalimutan ng mga artistang naimbitahan doon ang mga pinauwing mangga at iba’t ibang local na produkto nila.

Unang pangarap gawin ni mayora ang makapagpatayo ng high school building para sa mga kabataan. Dumarayo pa raw kasi ng ibang lugar ang mga estudyante ng Jaen para lang makapag-aral.

Anak ng Sexbomb dancer na si Weng ipinaglihi sa mga kapwa niya dancer

Taas-noo ang dating Sexbomb dancer na si Weng nang mapanood ang anak na si Anastacia sa Eat Bulaga. Maganda ang boses ng anak nito na ipinaglihi ni Weng sa co-dancers niyang sina Rochelle, Sunshine at Jopay.                                                                   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with