^

Pang Movies

Jane nagtapos ng pag-aaral kahit nakatira sa bangketa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Gaganap si Jane Oineza bilang isang batang walang permanenteng tirahan ngunit gagawin ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong Sabado (July 2).

Lumaki sa kalsada ng Quiapo kasama ang kanyang mga magulang na sina Sallie (Amy Austria) at Bong (Simon Ibarra), si Naning (Jane) ay determinadong tapusin ang kanyang edukasyon para na rin sa kanyang pangarap na magkaroon sila ng mas magandang buhay ay tirahan.

Hindi naging madali ang buhay para kay Naning. Noong bata siya ay inabandona siya ng kaniyang totoong nanay na si Christina (Jed Montero). Saksi rin siya sa matinding away nina Sallie at Bong dahil sa pangangaliwa ni Bong.

Kahit na madaming pinagdaanan, nagsumikap si Naning at naghanap ng trabaho para makapag-aral sila ng kaniyang kapatid. Nakaabot sila ng highschool pero naisip ni Naning na baka hanggang doon na lang sila at hindi na makakatapak pa ng kolehiyo.

Isang araw, nakita ng photographer na si Rick (Juan Rodrigo) si Naning na nag-aaral sa bangketa. Nakita niya ang pagsusumikap ni Naning sa pag-aral kung kaya’t napagdesisyunan niyang ibahagix ang kwento ni Naning.

Ikinalat ni Rick ang mga litrato ni Naning online at nag-viral kaagad ang mga ito na sinundan ng mga mensahe ng suporta para kay Naning.

Makatulong kaya ang mga netizens para magkaroon ng mas mabuting buhay si Naning?

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina Celine Lim, Rhed Bustamante at Althea Guanzon l.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz De La Torre at panulat ni Arah Jell Badayos.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with