^

Pang Movies

Kapamilya love teams tinalo Kris love raw ang AlDub!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masaya ang kuwentuhan ng mag-ninang na sina Queen of All Media Kris Aquino at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Yan Ang Morning sa GMA 7 kahapon.

Unang tanong ni Marian kay Kris ay tungkol sa newly proclaimed President Rod­rigo Duterte at ayon kay Kris, susuportahan niya ang mga pagbabagong gagawin nito.  Hindi raw niya malilimutan nang minsang ipasyal siya ni then Davao Mayor Duterte sa kabuuan ng Davao City at nakita niya kung gaano ito kaayos at kalinis.  Eh, ang AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza)

“Oh, I love them,” sagot ni Kris. “Nalaman ko na nakilala si Maine sa pagda-dubsmash niya sa akin.  Okey lamang iyon, basta maganda ang nanggagaya sa akin. Pero hindi ko pa siya nami-meet ng personal. Si Alden, noong gumawa kami ng movie ni Bimby sa festival with Bos­sing Vic Sotto, naroon siya at nilapitan niya ako, sabi niya: “Miss Kris, ako po si Alden Richards.” Sagot ko sa kanya, ‘kilala na kita.’ They deserve all the blessings na dumarating sa kanilang dalawa ni Maine.”

Two months ding nagbakasyon si Kris, at kababalik lamang nila ng mga anak na sina Josh at Bimby, kung may time ba, gusto pa niyang magbakasyon muli, saan niya gustong pumunta.

Maine naiyak sa kuwento ng yaya

Isang maliit na yaya ang contestant kahapon sa sugod-bahay ng Juan For All ng Eat Bulaga magkasama sa barangay ang magka-loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa patuloy na pagpu-promote nila ng movie nilang Imagine You & Me at tinawag nilang bagong love month ang July sa EB. 

Medyo nagkaiyakan sa show dahil kay Yaya Josephine, sa kabila ng kakulangan niya sa height, naging parang tunay na ina sa mga inalagaan niya sa isang bahay sa Palatiw, Pasig City. 

Napaiyak sa kuwento ni Yaya at ng amo nito si Maine. Naalaala niya ang yaya nilang magkakapatid na hanggang sa ngayon nasa kanila pa at pangako raw nila kung sino ang unang mag-asawa sa kanilang magkakapatid, siyang kukuha kay yaya.

Si Yaya Josephine naman, AlDub fan pala at lagi raw niyang dinadasal na magpakasal na talaga sina Maine at Alden.

Sa kalyeserye naman, ipina-translate pala ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa Italian ang theme song of the same movie title na Imagine You & Me at iniutos niya kina Alden at Maine na kantahin ang Italian version ngayong Saturday, sa Eat Bulaga.

Ultimate Breakthrough Star lilipat daw sa Kapuso

Balitang isang Ultimate Breakthrough Star ang sabi’y pipirma sa Kapuso Network next week.

Pahulaan ngayon kung mula raw siya sa kabilang istasyon o isang bagong artista. Is she a girl or a boy? Pero ibig sabihin hindi na siya bago dahil may title na siyang Ultimate Breakthrough Star. Galing kaya siya sa isang reality talent search?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with