^

Pang Movies

Mag-asawang Richard at Lucy simple lang din ang panunumpa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Iyon pa rin ang pinag-uusapan hanggang nga­yon. Ano nga ba ang nangyari kamakalawa?

May ilang bagay lang na gusto naming pansinin. Iyong nakalagay sa barong na isinuot ni Presidente Digong Duterte, ang bandila ng Pilipinas. Simbolo raw na siya ay maglilingkod sa lahat ng mga Pilipino, hindi sa isang sektor lamang. Gusto rin na­ming punahin ang naging kanta ni Freddie Aguilar, isang lumang kanta na pinalitan ng letra. Mukhang tamang-tama nga sa mga inaasahan nating mangyaring pagbabago.

Sabi nga nila, iyon din daw ang first time na ang isang folk singer na kagaya ni Ka Freddie ay pinakanta sa isang presidential inauguration. Usual­ly wala namang mga ganyang kantahan sa seremonya, at kung mayroon man, ang pinakakanta ay iyong mga operatic singers. Iyong pagkantang iyon ni Ka Freddie ay maliwanag na nagpapakita na ang bagong presidente ay may hilig sa musika, sa sining. At iyong kanyang hilig ay iyong sining ng masa. Hindi iyong kinakahiligan ng oligarkiya.

Walang masyadong malalaking stars sa inaugural ni Presidente Digong. Kasi karamihan noong mga sikat nakuhang endorsers noong kalaban niya. Pero nasa kanya naman iyong mga artists na naging loyal sa kanya simula pa lang, at talagang tumulong at nag-endorso sa kanya nang walang bayad.

Gusto rin naming punahin ang masasabing napakasimple rin, at dinagsa ng kanilang mga kababayan na sabay na panunumpa nina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres Gomez sa bayan nila sa Ormoc. Walang drum beating iyon, pero ang masa mismo ang kumilos at inilabas ang mga kuha nilang pictures sa social media.

May artista rin doon. Naroroon si Richard Gutierrez, pero iyon ay bilang suporta naman sa kanyang pinsan na na­nalo rin sa Ormoc at kasabay na nanumpa nina Mayor Goma at Congresswoman Lucy. Marami ring ilan pang mga taga-showbusiness na nanalo at nakapanumpa na rin naman.

Pelikulang Tarzan high tech na high tech na

Noong isang araw, nagkaroon ulit kami ng pagkakataong manood ng sine. Iyon ang ikalawang araw na magkasunod na nanood kami ng sine.  Pinanood namin iyong Tarzan, at napanood namin iyon ng 3D. Ang layo na talaga ng naabot ng mga pelikulang dayuhan sa teknolohiya.

Iyong pagtatakbuhan ng napakaraming mga hayop para sugurin ang mga bumibihag sa mga katutubo, CGI iyon. Computer graphics lamang, pero makatotohanan. Doon sa pelikula, magaling si Tarzan pero hindi siya kagaya ni Superman na nananalong mag-isa. Ipinakita ring natatalo siya.

Natatandaan namin, ang kauna-unahang pelikulang Tarzan film na napanood namin noong bata pa kami ay Tagalog, iyong pelikula ni Vic Vargas. Marami ring spoof ni Tarzan ang a­ming napanood, iyong sunud-sunod na spoof noon ni Joey de Leon na Starzan.

Aaminin namin, nag-enjoy naman kami sa lahat ng mga Tarzan films na aming napanood, pero hanga kami technically sa pagkakagawa ng bagong Tarzan, lalo na nga at napanood namin sa 3D.

Aktor nag-level up dahil sa bading

Tawa kami nang tawa sa isang blind item na nabasa namin noong isang araw, na dapat daw sabihin ng isang male star na “salamat doc”. Hindi dahil sa plastic surgery, kundi dahil sa ibang mga bagay.

Kaya naman kami natawa, kasi mali ang blind item. Ang mas dapat sabihin ng male star na iyon ay “salamat sir”. Mas nauna yata iyon at mukhang mas malaki ang naging “contribution” sa kanya. Alam na ninyo, marami ang kuwento.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with