^

Pang Movies

Suportado ng mga anak… Kris may bagong kinahuhumalingan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tiklop ang bibig ni Kris Aquino kung sino ang constant na ka-text niya ngayon. Gusto niyang ang mga anak na sina Joshua at Bimby ang tanging nakaaalam kung sino man ang malapit sa buhay niya ngayon.

“Can I not answer that? Ha! ha! Ha! Okey na ganoon, ‘di ba? Kasi I think karapatan ko na…’Yun din ang na-realize ko nang magbakasyon ako. Karapatan ko na may mga bagay na isaakin ko na lang.

“Kasi in fairness sa akin, may passcode ang phone ko na alam nina Josh at Bimb so nakikita nila lahat! Sa kanila lang ako may utang. Sila lang dapat ang makaalam kung sino ‘yon, kung ano ang nangyayari, kung anuman.

“Kasi sila ‘yung affected pero the rest of the world, akin na lang!” katwiran ni Kris.

Pagdating sa kulay ng puso ngayon, “Translucent pa. Puwe­de pang lagyan ng kulay!”

Guest kahapon si Kris sa Yan Ang Mor­ning show ng inaanak niyang si Marian Rivera. Hindi siyempre pinaligtas ng GMA Primetime Queen na tanungin ang kaganapan sa Queen of All Media sa biyahe nilang mag-iina sa abroad at sa mga ginawa niya pagbalik sa bansa.

“Masaya ‘yung part na nandoon na si Bimb sa part na nine na siya at kahit ano, puwede naming pag-usapan, kahit pulitika. ‘Yun ang masayang part. ‘Pag ang anak mo naging kaibigan mo na rin,” pahayag ni Kris.

Ikinalungkot lang daw ni Bimby ang pagkawala ng security niya na kasama niya ng ilang taon.

Kung may ibang bansa na pangarap niyang puntahan, ito ay ang Italy. “Kung papayag ang mga anak ko na umikot sa Italy na ako lang,” saad niya.

Pagdating naman sa celebrity crush, hindi niya ipinagkaila na fan at crush niya ang CNN correspondent na si Anderson Cooper.

“Kaya lang, gay siya so wala nang pag-asa! Ha! Ha! Ha! Oh my God. Sana nakilala niya ako baka mag-iba ang pananaw niya sa buhay!” biro niya.

Sa guesting ni Kris, ipinasampol niya ang pag­luto niya ng binagoongang baboy na paborito rin ng mga kapatid niya.

Bilang panghuli, nagbigay ng mensahe si Kris kina Dong at Marian.

“I have to say this. Kayo ni Dong and most especially para sa asawa mo, super bait niya kay Noy talaga and ‘yon, tumatanaw kami ng utang na loob.

“Pag nakikita ko ‘yung posts ninyo, hindi ninyo puwedeng lokohin ang mga tao. Nakikita ng mga tao what is genuine, what is real and by letting us see your lives, you inspire us. Umaasa pa be loved and to love.

“Kitang-kita how much he supports you and you support him. So ‘yun ang natutunan ko galing sa inyong dalawa,” pahayag ni Kris.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with