^

Pang Movies

Jake nami-miss pa rin si Kuya Germs

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inamin ni Jake Vargas na hanggang sa ngayon ay nami-miss pa rin niya ang tatay-tatayang si Kuya Germs Moreno, naging discoverer at manager niya simula nang pumasok sa showbiz. 

Malaki raw ang naitulong nito sa kanya at siyang nagbukas ng pinto kung nasaan na siya ngayon kaya mahirap pa rin daw tanggapin na wala na ang kanyang mentor. Ngayon, mina-manage na siya ng GMA Artist Center at binigyan ng solo presscon kahit noong March pa pala siya pumirma ng five-year contract. 

Siya raw kasi ang walang time noon kaya hindi agad siya naipa-presscon.  Pero bakit ngayon lamang siya nagpa-manage sa GMAAC?

“Noon pa pong first stroke ni Tatay (Kuya Germs) at naospital siya, sinabi na niyang sa Artist Center na ako para hindi ako mapabayaan,” sabi ni Jake.  “Pero ayokong lumipat, nasanay na ako na siya ang nagma-manage sa akin.  Kahit naman kasi marami kaming talents noon ni Tatay, hindi naman niya kami pinababayaan.  Pero alam ko masaya na siya ngayong lumipat na ako sa GMAAC.”

For his first project sa GMAAC, may coming concert sila ng mga GMA actor-singers na sina Rocco Nacino, Aljur Abrenica, Derrick Monasterio, titled Oh Boy! sa Music Museum on August 20. 

Kasama na rin si Jake sa mga acting workshop ng regular ta­lents para mas mahasa sila lalo sa acting at pagharap sa camera.

Huling project na ginawa ni Jake ang Buena Familia with Julie Ann San Jose pero thankful siya dahil hindi nawawalan ng work at tuluy-tuloy ang sitcom nilang Pepito Manaloto na napapanood tuwing Saturday, 6:45 p.m. Last Saturday, ginampanan ni Jake ang true to life story ni Carrot Man na si Jeyrick Sigmaton sa Magpakailanman. At bukas, si Jake ang tampok sa Lip Synch Battle Philippines at magkalaban sila ni Ken Chan

Loveless pa rin si Jake after ng break-up nila ni Bea Binene. Hindi pa raw naman siya naghaha­nap. May tattoo si Jake ng name ni Bea at biro sa kanya ng press people, maghanap na lang siya ng magiging girlfriend na may pangalang Bea rin.

Alden at Maine sunud-sunod ang pagku-cover sa mag

Countdown na nga ng AlDub Nation simula nga­yong July 1 hanggang sa July 13, ang opening day ng first solo movie together nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza, ang Imagine You & Me. 

May grand presscon ang movie, sort of thanksgiving na rin ng APT Entertainment at GMA Films sa pagsuporta ng press at fans sa career nina Alden at Maine. Kahapon ay nag-celebrate ng 50th weeksary sina Alden at Maine sa Broadway Studio kung saan nagpakita si Maine ng inihanda niyang snippets ng scene sa movie.

Bukod sa promotion ng movie, mayroon pa rin silang kalyeserye sa Eat Bulaga.

Sunud-sunod din ang pagri-release ng mga ma­ga­zine na sila ang cover. Out na ang Forbes ma­gazine na cover sila kasama si Mr. Tony Tuviera. Soon, ang Yes 100 Most Beautiful naman. Most awaited din ang coming book ni Alden tungkol sa kan­yang personal life.  Kung hindi man ito ma-re­lease sa first anniversary ng love team, dahil may personal chapter dito para sa kanila ni Maine, sa July 16, iri-release ito ng Summit after a few days ng anniversary. 

Sa mga bibili ng book, magkakaroon ng autograph signing si Alden in a bigger venue pagkatapos ng launch by August.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with