^

Pang Movies

Mag-asawang Dingdong at Marian, agaw-pansin ang suot sa inagurasyon ni VP Leni

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Panalo ang suot ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa oath-taking ng bago nating Vice President na si Leni Robredo kahapon sa Q.C. Welcome Reception Center na mas kilala bilang Boracay Mansion.

Barong ang suot ni Dong at gayundin si Yan Yan pero ginawa niyang dress. Siyempre pa, lalong lumutang ang ganda ni Yan sa make up ng kaibigang si Bambbi Fuentes na maaga ring nagi­sing at pinost sa kanyang IG ang “political” look ni Yan, huh!

Hindi naman itinago ng mag-asawa ang suporta nila kay VP Leni nang magdeklara sila ng kandidato sa pagka-Bise Presidente. Sa post ni Yan sa kanyang Ins­tagram account, kasama niya ang lumang picture nila ni VP Leni at narito ang wish niya:

“Ipagdarasal ko na magampanan niyo po nang ayon sa inyong ninanais, at higit pa, ang iyong tungkulin bilang aming Panga­la­wang Pangulo. #GODblessourcountry #LetsUnite.”

Present din sa inauguration si Kris Aquino, Senator Francis Pangilinan at anak na si Fran­kie. Nag-tape pala si Kris para sa Yan Ang Morning ni Marian na mapapanood ngayong umaga.

After maging bahagi ng ina­gurasyon, fly agad si Dong sa Birmingham UK para sa GMA Pinoy TV show.

Inilampaso si Jennylyn, Jessy wagi sa FHM sexiest

Ibinulgar na ni Gret­chen Fullido kay Jessy Mendiola na siya ang winner sa number one spot sa FHM’s 100 Sexiest. Kuhang-kuha sa ka­mera ang reaksyon ni Jessy sa balitang ‘yon na naka-post sa Instagram account ng showbiz anchor ng TV Patrol.

Ngayong July ang official announcement ng winner sa poll. Eh sa resulta, hindi nagawa ng fans ni Jennylyn Mercado na mag-back-to-back siyang sexiest Pinay, huh!

Sa panalo ni Jessy, malalaman natin mula sa organizers ng event kung wala nang victory rampa si Jessy sa panalo niya, huh!

Dapat pangunahan ni Luis Manzano ang request na parampahin si Jessy, huh! For sure, sa harap na harap na upuan siya uupo, huh! Ha! Ha! Ha!

Kris susuporta raw kay President Digong

Susuporta raw si Kris Aquino sa bago nating presidente na si President Digong Duterte. Type niya ‘yung pag-i-implement ng bagong pangulo ng curfew para sa minors.

“I like that. I am a mother ‘di ba?” saad ni Kris sa interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Present si Kris sa inauguration ni VP Leni kahapon. From there, dumiretso siya sa bahay ng kuya sa Times St., Q.C. Nag-post siya sa kanyang Instagram account kasama ang Kuya Noy niya, at mga anak na si Joshua at Bimby.

Last IG post niya raw ‘yon para sa dating presidente bago ito magbakasyon. Sabi ni Kris, sana matupad ng kuya ang pangako sa mga anak na pumunta sa beach.

As per Kris’ projects, balitang may offer na TV show sa kanya ang ABS-CBN. Tapos na kasi siyang mamahinga kaya keri na niya ulit mag-ingay sa social media accounts niya, huh!

Subalit sa interview kay Kris ng GMA, wala siyang nabanggit sa tsismis na babalik siya sa Kapuso Network, huh!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with