^

Pang Movies

Pelikula nina Kiray at Enchong papasa sa mga bata

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Nagmuntik-muntikanan na palang hindi mapanood ng mga tagahanga ni Kiray Celis na below 13 years ang kanyang malapit nang ipalabas na movie, I Love You To Death.

Muntik na raw kasing bigyan ito ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ng grade na PG (Paretal Guidance) 13.

Mabuti na lang daw at nagawan ng paraan.

Kaya naman nakahinga ng maluwag si Kiray, type rin kasing mapanood ang movie ng mga kabataang nasa youth program na Goin’ Bulilit.

“Graduate’ na siya sa nabanggit na program. Gusto niyang magsilbi siyang inspirasyon sa mga ito na kahit ‘di raw siya gaanong kagandahan, basta matiyaga at mabait lang, bukod, of course, may angking talinong umarte, sisikat siya.

I Love You To Death, a Regal Entertainment presentation, co-stars Kiray with one of her crushes among the Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Donna laging kasama ang mga anak sa commercial

Bunsong anak pala ni Donna Cruz ang eight-year-old na batang kasama niya sa kanyang commercial ng fried chicken.

Gio ang pangalan ng bata at bunso ito sa tatlong anak ni Donna sa sikat na ophthalmologist sa Cebu.

Soon, according to Donna’s talent manager, Shirley Kuan, may bagong commercial na lalabas muli sa TV si Donna. And this time, kasama naman niya ang two children niyang sina Belle, 16 at Cian, who is 11 naman.

Now staging a comeback as a recording star, Donna’s first album with Star Records is a best seller.

Piolo simple lang ang requirements sa babae

Para pala kay Piolo Pascual, palaisipan pa rin sa kanya kung bakit kailangang masaktan ang isang umiibig.

Come to think of it, ilang beses na nga bang nasaktan si Piolo sa pag-ibig, para iwasan niya ng umibig muli at his age?

E, simple lang naman daw ang requirements niya kapag umibig siya. Ang magkaroon sila ng babaeng kanyang iniibig ng mutual love and respect.

So far, ang alam naming pinakamatinding relasyon nagkaroon si Piolo ay kay KC Concepcion.

Now of course, may bago nang iniibig si KC, ang sportsman na si Aly Borromeo.

Lovi loveless pa rin!

April 30 pa pala this year nang magtapos ang kontrata ni Lovi Poe sa GMA 7.

Ngayong July 1st pa lang sila magre-renew ng contract with the network, ani Leo Dominguez, Lovi’s talent manager.

Right after the election pala, where Lovi helped sister Grace Poe in her bid to become president ng Pilipinas, nagtungong Europe si Lovi with some friends.

Yes, ayon kay Leo, loveless si Lovi at the moment. Break na raw talaga ito at si Rocco Nacino.

Alonzo at Ryzza Mae dapat magkapelikula uli

Child stars Alonzo Muhlach and Ryzza Mae Dizon hope they would get the chance to work together again. As Ryzza said, “2014 nang magtambal kami sa My Big Bossing.

“Iyon ang una’t huling pagsasama namin sa movie,” dugtong pa ni Ryzza.

Vic Sotto, who was with them in the movie, plus Kris Aquino, agree na dapat ngang magkapelikula ang dalawa muli.

‘Di lang daw maganda ang kanilang chemistry, pareho pa silang swak as comedy team.

Kung ganun pala, Bossing Vic, what are you waiting for? Mag-produce ka na ng movie for the two. Na, of course, kasama ka.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with