^

Pang Movies

Mga pelikulang lalahok sa MMFF puwede na ring isali sa iba pang filmfest

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa pagpapalit ng administrasyon, may malaking pagbabago ring masasaksihan this year sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) na as we all know ay ginaganap tuwing Disyembre 25.

Ang malaking pagbabagong ito ay inanunsyo isa-isa ni MMFF Chairman Emerson Carlos sa bonggang launching na isinagawa ng festival last Tuesday night sa SMX Convention Center, SM MOA. With a tag line of Ang Bagong MMFF Cine Sama Na #Reelvolution, the event was hosted by Iza Calzado and Epy Quizon with matching bonggang pa-raffle for the entertainment press.

Ayon kay Chairman Emerson, halos lahat ng  patakaran sa pagsusumite ng mga gustong lumahok sa taunang Metro Manila Film Festival ay binago na.

Tinanggal na raw ang New Wave Films category at dalawang kategorya na lang ang natira, ang Full-length feature film section at ang Short film section.

Para sa short film category ay kailangang magsumite ang mga lalahok ng tatlong (3) kopya ng application form, synopsis not more than 300 words, hard drive containing the film entry in DCP format o JPEG 2000 at brief resume background/ng producer.

Samantalang ang full length feature film section naman ay tatlong (3) kopya ng application form, synopsis not more than 300 words, hard drive containing ng film entry in DCP o JPEG 2000 or non DCP MV4, AVI, brief summary/background ng producer filmmaker’s filmography, entry fee ng P50,000 in cash, ma­nager’s check or proof of deposit slip to MMFF account at may diskuwento na P30,000 para sa early bird entrues.

Hindi naman binago ang walong full-length movie na kasama sa festival na mapapanood simula Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2017 pero walong short films din ang isasama nila sa competition na tipong one is to one. “Para po ‘pag may main movie, may short film, nakadikit po ito. At the same time, we are promoting the shorts kasi mapapanood ito ng mga manonood ng main (movies),” paliwanag ni Chairman Emerson.

Wala na rin daw cash prize para sa mga mananalo katulad sa mga nakaraang taon at mga tropeo na lang daw ang kanilang ibibigay para sa mga deserving films.

Natanong din ang mga pelikulang naipalabas na sa ibang bansa kung pwede pa ring sumali sa MMFF na matatandaang naging problema last year ng Honor Thy Father at ang  paliwanag ni Mowelfund president, Ms. Boots Anson-Rod­rigo, “kung naipalabas na sa festivals abroad or even locally, basta may abiso lamang sa execom. Lalo na’t ang isa sa criteria ay finished product na, so it is understandable na ‘yung mga natapos nang pelikula at naisali na sa ibang festivals, eh it is really practical na ipasok kasi gawa na ‘yun with due timely notice to the execom.”

Samantala, pinalagan ng ilang movie producers ang bagong regulasyon na isang buong pelikula na ang dapat i-submit ng mga gustong lumahok kumpara sa nakalipas na 40 years na synopsis/script muna ang isusumite at saka palang gagawin ang pelikula ng buo.

Ang paliwanag ni Solar owner, Mr. Wilson Tieng, “this year, gusto talaga namin ng maagang submission. Kailangan natin ‘yun kasi kung medyo late na mag-submit talo rin ang producer o gagawa ng pelikula dahil wala nang time to expose or to run ‘yung trailers nila, ‘yung mga advertising collaterals nila. “Kaya nakikiusap kami na kung puwede, maaga na silang mag-umpisa para matapos na ‘yung pelikula para makagawa na rin sila ng magandang trailer kasi itatakbo pa ‘yun sa mga sinehan. Ang mga sinehan hindi naman nagtsa-charge ‘yan compared to TV stations and how much they charge, ‘di ba?  Kaya kung magagawa natin ito (tapusin ang pelikula) makakatulong ito ng malaki sa promotion ng pelikula.”

Ang mga petsang itinalaga ng MMFF para sa submission of letter of Intent ay noong Hulyo 8; sa September 28 naman ang deadline for early bird submission; October 19- deadline for submission of short films; October 27- announcement of short films; October 31-deadline for submission of full length films; November 3-9 competition committee screening; November 10 – announcement of finalist; November 17 deadline for additional requirements by selected films; December 23-Parade of Stars; December 25- Janua­ry 7, 2017 fil festival period at Jaunary 8 awards night.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with