Geoff binagayan ang doctor na suplado
MANILA, Philippines – Pormal ng kalahok sa cast ng most watched daytime teleserye ng ABS-CBN na Be My Lady ang aktor na si Geoff Eigenmann.
Gagampanan ni Geoff ang papel na Dr. Joselito Mariano, supervisor ni Pinang (Erich Gonzales) sa kanyang pagkaka-assign sa emergency room.
Kilala si Dr. Mariano bilang strikto at suplado ngunit nanatiling lihim sa mga empleyado ng ospital ang kaniyang tunay na pagkatao. Ano kaya ang kaniyang magiging papel sa buhay ni Pinang? Makakaapekto kaya siya sa lumalalim na samahan nina Pinang at Phil?
Huwag palalampasin ang Be My Lady, 11:30am bago mag-It’s Showtime sa PrimeTanghali ng ABS-CBN.
- Latest