^

Pang Movies

Mga anak ni Snooky hate ang showbiz

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang nagtatanong sa Poor Señorita kontrabida na si Snooky Serna kung bakit hindi naisipang mag-artista ng kanyang dalawang anak sa dating mister na si Ricardo Cepeda na sina Samantha at Sachi.

Inamin ni Snooky na noon pang mga bata ang dalawa ay may mga kumukuha na para gawin silang artista. Okey lang daw kay Snooky kung gusto nilang mag-showbiz, pero ang mga bata raw ang may ayaw talaga.

Siguro raw ay nakikita ng dalawang anak niya ang kawalan ng privacy ng pagiging isang artista.

Nadagdag din na nauwi sa broken home ang kanilang pamilya dahil parehong artista ang magulang nila.

“I am proud of my daughters kasi sa mga pinagdaanan naming mga pagsubok sa buhay, they remained strong and they pursued their dreams.

“I only want the best for my children and thank God, nangyari naman iyon sa kanila,” sabi ni Snooky Serna.

Kiko nakipag-ayos na kay Baron

Pagkatapos ng pag­haharap nila sa URCC cage noong nakaraang June 25, nakipag-peace na si Kiko Matos kay Baron Geisler dahil tinapos na nila sa laban na iyon ang kanilang mga deperensya sa isa’t isa.

Nauwi man sa draw ang laban ng dalawa, hindi na raw importante ang mga negative feedbacks ng marami dahil ang importante raw ay naayos na nila ni Baron ang problema nila.

Heart maglalabas na rin ng sariling pabango!

Isang brand na kung maituturing ang pangalang Heart Evangelista.

Bukod sa kanyang pagiging aktibong aktres, associated pa ang pangalan niya sa mga produkto na na-create dahil sa kanyang personality.

Mula sa kanyang likhang art pieces, hand-painted dresses and bags, ang sinulat niyang libro, magkakaroon na rin ng make-up brand at ready-to-wear clothing line gamit ang Heart Evangelista brand.

Sa ngayon ay maglalabas na ng kanyang signature perfume si Heart na ang pangalan ay Whiff.

Ang Whiff ay isang local brand ng mga pabango na ginawa sa Grasse, France.

First time na magkaroon ng signature perfume si Heart at excited na nga itong ilabas sa publiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with