^

Pang Movies

Kapamilya pinakawalan na, Kris puwede kahit saang network?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Iba ring tumupad sa pangako ang Multi-Media Star, si Kris Aquino.  Kaya ang first TV appearance ni Kris pagkatapos ng mahabang bakasyon ay sa GMA 7. 

Hindi totoo na lilipat na sa Kapuso Network si Kris, nag-post lamang siya sa kanyang Instagram account ng: “On Wednesday, I get to fulfill my promise to my inaanaks, @dingdongdantes @the realmarian. I’m guesting in Yan Ang Morning.”

Matatandaang isa si Kris sa mga principal sponsors ng mag-asawang Dingdong at Marian nang ikasal sila noong December 30, 2014.

Ngayong Wednesday morning magti-taping si Kris sa Yan Ang Morning to show her gratitude kina Dingdong at Marian sa pag-support nila kay Vice President-elect Leni Robredo noong nakaraang eleksyon. 

Tomorrow naman mapapanood ang guesting niya sa morning talk show at 9:30 a.m.

Pwede namang mag-appear si Kris sa kahit saang network as a guest, dahil wala pa naman siyang existing exclusive contract sa kanyang longtime network, ang ABS-CBN.  Nag-expire na ang contract ni Kris sa kanila noong March, pagkatapos niyang ibalita na magkakaroon muna siya ng temporary break in showbiz. 

Nagbakasyon siya abroad kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.  Bumalik siya sa bansa para tumulong sa kampanya ni dating Congresswoman Leni Robredo.  Balita pang nagbigay siya ng financial support na P 30.1 million kay Cong. Leni noong eleksyon.  Pagkatapos ng eleksyon, umalis muli si Kris at itinuloy ang bakasyon kasama ng mga anak at dinalaw naman nila ang relatives nila sa USA.

Noong Linggo, June 26 lamang bumalik sa bansa sina Kris, Joshua at Bimby at mukhang back to work agad siya. Kahapon ay nasa Dasmariñas, Cavite siya para sa unveiling ng People Power Monument, hospital marker and the hospital blessing of Pagamutan ng Dasmariñas, sa imbitasyon ni Congressman Pidi at Mayor Jenny Barzaga.

Direk Mike natuwa na hindi pa ma-imagine ng fans ang kuwento ng movie nina Alden at Maine

Ratsada sa TV guestings ang magka-love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza.  Kaya after nilang mag-report sa Eat Bulaga diretso sila sa taping ng shows kung saan sila naka-schedule na mag-guest. 

Last Monday, sa Bubble Gang sila unang nag-guest sa segment ni Tata Lino (Michael V) na nagtatanong ng future ang mga kumukunsulta sa kanya.  May Instagram post na nagulo raw ang taping ng gag show sa pagdating nina Alden at Maine.  Hindi pala sinabi ng production kung sino ang special guests nila ng araw na iyon.  Kaya pagkatapos ng eksena nila, nagpa-picture sila sa buong cast ng Bubble Gang. 

Wait na lamang ang AlDub Nation sa airing date ng guesting nila sa July 8, pagkatapos ng Juan Happy Love Story.

Natuwa si Direk Michael Tuviera sa tweet ng isang fan na “@DirekMike bakit ganun, full trailer na pero di ko pa din ma-imagine ang takbo ng story (Imagine You & Me)! Kaya lalo na kaabang-abang e!”  Sagot ni Direk Mike: “Thank you! ‘Yun po talaga ang objective namin.  Para marami pang surprises sa mismong pelikula.”

Nagpasalamat din si Direk Mike sa panawagan ng AlDub Nation sa lahat na ang opening day gross daw ang the most crucial, pinaka-important sa kahit anong pelikulang ipinalalabas.  Kaya nakiusap silang manood ang lahat sa opening day ng movie.  Na kahit may naka-schedule nang block screening sa opening day, manood din muna sila sa regular screening.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with