Katawang hubad ni James mas lalong pinagnanasaan ng fans!
Kung ang ibang matinee idol sa kasalukuyan ay puro pagpapabebe lang ang ginagawa at nakakalusot na, mukhang iba naman ang gusto ng mga tao kay James Reid. Mukhang mas gusto ng fans ni James na medyo sexy ang kanyang dating.
Kung napansin ninyo, maging sa social media, ang pinag-uusapan ngayon ay ang kanyang sexy photos na lumabas sa kanilang librong Team Real. Paglabas pa lamang ng book ang dami ng mga social media users na nag-post ng sexy pictures at tila kilig na kilig ang mga fans doon. Hindi naman masasabing ang mga sexy pictures ang talagang inilantad sa libro, kung titingnan mo nga, para iyong isang fashion statement dahil naroroon ang mga paboritong style ng pananamit nina James at Nadine. Pero ang mas napansin nga, iyong nakahubad si James.
Mukha namang mas konserbatibo ang pananaw ng mga fans pagdating kay Nadine Lustre, dahil walang nagbigay pansin sa kanyang mga sexy rin namang pictures. Parang mas gusto nilang pa-sweet si Nadine.
May mga nagsabi nga sa amin, maski naman daw sa mga pictorial noong una pa, parang mas gusto ng fans na medyo sexy si James. Kaya nga raw enjoy sila doon sa unang garment endorsement ni James kung saan shirtless siya. Ngayong kinuha siya ng garment giant na Bench, ang hinihintay nila ay ang mga mas seksing pictures niya. Pero mukhang ang plano naman ng kumpanya sa kanya ay iyong mga pang-bagets sa garments talaga.
Maski na nga raw doon sa mga novelty items na lumalabas noon pa na featured si James, ang marami lalo na doon sa mga lumabas na pillows, puro wala ring suot na shirts si James. Pero hanggang gaano ba ka-sexy ang gusto nila kay James?
Huwag naman sigurong masyado, after all ang mga matinee idols ay kailangang manatiling wholesome rin naman ang image.
Rachelle Ann ‘di nagpapakabog sa UK
Nakakatuwa naman, naging best song performer si Rachelle Ann Go sa West End Frame Awards dahil sa kanyang pagkakakanta ng awiting I Dreamed a Dream, na bahagi ng kanyang role sa Les Miserables. Talagang napapansin kahit na sa abroad ang kahusayan ni Rachelle.
Isipin ninyo kung gaano karami ang performers sa London pero siya ang napili para sa award na iyon. Ibig sabihin talagang standout ang kanyang performance sa maraming pagkakataon. Kasi kung hindi, papaano naman siyang mapupuna at maiko-consider sa ganoong karangalan.
Jed pinagdadasal na lang ang mga nagbibintang na bading siya
Tama ang naging reaksiyon ni Jed Madela sa isang basher na kumukuwestiyon sa kanyang sexual preference. Ang sinabi ni Jed, “Ipagdadasal ko na lang sila.”
Wala ka naman talagang magagawa sa mga bashers. Ano ang gagawin mo, makikipagtungayawan ka ba sa mga iyon? Natural na lang na huwag mo na lang pansinin at siguro nga ay ipagdasal mo na lang sila. After all ano ba ang pakialam nila kung ano man ang preference ng isang tao?
Basta hindi naman sila iniistorbo, wala silang pakialam.
- Latest