^

Pang Movies

Nasayangan sa kita, kilalang produ biglang sasali na sa MMFF

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi na lihim ang secret meeting ng isang mo­vie producer at ang representative ng kanyang business partner dahil may nakakita sa kanila.

Nangyari kamakailan sa isang restaurant. Ang sey ng source ko, masinsinan ang pag-uusap ng da­lawa at ang duda niya, ang pagsali sa Metro Manila Film Festival 2016 ang topic.

Taun-taon, hindi nawawalan ng entry sa MMFF ang mga movie producer na tinutukoy ko at talagang tumatabo ng datung sa takilya ang kanilang mga project. Baka nagbago ang desisyon ng business partners na i-boycott ang MMFF 2016 dahil nanghinayang sila sa kikitain nila na kumbaga sa negosyo, tubong lugaw.

Richard sa China pa magsu-shooting

Pumirma kahapon ng kontrata sa Regal Entertainment Inc. si Richard Yap, ang bagong crush ni Mother Lily Monteverde na nag-declare na kapag nag-reincarnate siya, gusto niya na maging Mrs. Richard Yap.

Of course, joking lang si Mother dahil ‘yon ang kanyang nakasanayan na dialogue, kahit sa mga senatoriable na in-endorso niya noong 2013. Mukhang nagbago ng isip si Mother dahil isasali niya si Richard sa cast ng bagong Mano Po movie na possible MMFF entry.

Ambitious ang project dahil kukunan ang mga eksena sa China. Happy and proud si Richard dahil gagawa uli siya ng pelikula sa movie outfit ni Mother.

Oath taking nina Pres. Digong at VP Leni pa-simplehan ang labanan

Patalbugan sa kasimplehan ang mga inauguration bukas nina President-elect Rodrigo Duterte at Vice President-elect Leni Robredo. Mga typical pagkain na Pinoy na mura ang halaga ang kanilang mga handa at limitado lang ang bilang ng mga bisita nila.

Siyempre, invited sa oath taking nina Papa Rody at Leni ang mga showbiz personality na tumulong sa kampanya nila noong nakaraang eleksyon. Inulit ni Papa Rody ang kagustuhan niya na huwag manirahan sa Malacañang Palace at mag-uwian sa Davao na imposibleng mangyari dahil mapapagod siya.

Hindi nagkakalayo ang mga edad namin ni Papa Rody kaya alam ko ang pakiramdam ng isang senior citizen. Bukod sa nakakapagod ang gagawin niya, magastos din. Kesa mag-opisina siya sa Maynila, ililipat na lang niya sa Davao ang Malacañang.

Komedyana laos na laos na ang style

Nilalait ang sexy comedienne na umapir sa isang game show dahil lumang-luma na ang dating niya. Hindi na nakakatawa ang mga hirit at pralala ng sexy comedienne na trying hard na sinapawan ang ibang mga guest.

Ang sey ng televiewers, pinaglumaan na ng panahon ang comedienne na hindi nag-improve ang acting. Dapat may magsabi sa nagkakaedad na comedienne na passed na ang mga biro niya as in KSP na KSP ang kanyang image.

Oras na raw para tanggapin ng comedienne ang katotohanan na tapos na ang era niya, may bata at mas talented na sexy comedienne na kinahuhumalingan ang madlang-bayan.

Kiray kinaiinggitan na

Sa susunod na linggo na ang showing ng I Love You to Death, ang horror comedy movie nina Kiray Celis at Enchong Dee. Naloka ang isang staff ng Regal Entertainment dahil hindi niya akalain na sikat na sikat si Enchong sa mga bagets. Si Enchong daw ang pinagkakaguluhan at tinitilian ng fans sa mga mall show nila ni Kiray.

Kinaiinggitan daw si Kiray ng girls and gays dahil wagas ang pagpapa-cute niya sa kanyang leading man sa I Love You To Death.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with