Request ni Kris sa GMA hindi pinagbigyan!
Sasabak na agad sa trabaho ngayong Miyerkules si Kris Aquino after arriving last Sunday. Pero ang pasabog, hindi sa ABS-CBN ang kanyang first TV comeback appearance kung hindi sa GMA 7.
Ayon sa Instagram post ni Kris last Monday, she will be guesting at Yan ang Morning ni Marian Rivera. “Thank you @gideonhermosafor the beautiful peonies. On Wednesday, I get to fulfill my promise to my inaanaks, @dongdantes & @therealmarian - I’m guesting in Yan Ang Morning.
“Tomorrow see you Dasmariñas, Cavite. I’m gracing the unveiling of the People Power Monument, hospital marker & the hospital blessing of Pagamutan Ng Dasmariñas because of the kind invitation of Congressman Pidi & Mayor Jenny Barzaga,” post ni Kris.
Sa ngayon kasi ay pwedeng um-appear si Kris sa ibang network since wala siyang existing contract at nag-expire na ang kontrata niya sa Dos.
For sure ay pagmumulan ng intriga ang paglabas na ito ni Kris sa Kapuso network since for the longest time ay isa siyang exclusive Kapamilya talent.
Siguradong ang kasunod na mga sitsit at tanungan ay kung lilipat siya sa Kapuso. Pero sa huling panayam kay Boy Abunda na best friend at isa sa managers ni Kris, sinabi ng King of Talk na nag-uusap daw ang Queen of All Media at ang ABS-CBN para sa possible projects.
Anyway, ang tsika sa amin ng isang taga-GMA 7, gusto raw ni Kris na mag-live sa Yan ang Morning pero dahil hindi naman nagla-live ang said morning show ni Marian, hindi pumuwede ang gusto niya.
Fans naglulundag sa kilig teaser ng serye nina James at Nadine, kasal agad!
Ini-reveal na ng ABS-CBN ang titulo ng bagong teleseryeng gagawin nina James Reid at Nadine Lustre. Sa ginanap na trade launch last Monday sa SMX Convention Center, ipinakita ang short teaser ng serye pati na ang title nitong Til I Met You.
Nakita namin sa online site ng ABS-CBN ang teaser kung saan ay makikita ang mga characters ng JaDine na naghahanda para sa kanilang kasal and for sure, dito pa lang ay kikiligin na ang libu-libong fans ng magka-loveteam.
Inanunsyo rin ang limang kanta na gagamitin sa serye namely na lahat ay songs from the 80’s tulad ng Friend of Mine, Don’t Know What To Do Don’t Know What To Say, To Love Again, Give Me a Chance at Farewell.
Dumalo rin mismo sina James at Nadine sa trade event na nakasuot ng pangkasal and performed Ikaw medley. Ang bagong serye ng JaDine ay pangalawa na nila sa Kapamilya Network. Ang una ay ang On the Wings of Love na sobrang nag-hit talaga to the point na up to now, sariwa pa sa alaala ng lahat ng JaDine fans ang karakter ng dalawa pati na ang kwento nito.
Tulad ng OTWOL, si Antoinette Jadaone rin ang magdidirihe ng Till I Met You at nabanggit din ni Nadine nang makapanayam namin siya last week na may pupuntahan silang ibang lugar for the series.
Beauty umaming nag-ala-Sisa pagkapanganak!
Ayon kay Beauty Gonzalez, nasa India siya nang makatanggap ng offer from Star Cinema para gawin ang pelikula The Achy Breaky Hearts with Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion and Richard Yap.
Siyempre, umoo siya agad-agad. “Umuwi agad ako. Sabi ko sa partner ko (Norman Crisologo), “tigilan na natin ‘tong pagbabakasyon”. Work, work muna ako saglit,” kwento ni Beauty.
The actress just gave birth to a healthy baby girl four months ago. At aminado siyang nagkaroon siya ng postpartum depression na karaniwang nararanasan ng mga babaeng katatapos lang manganak. “Kasi I was taking care of my baby by myself for almost 2 months and it was hard kasi, I had CS (caesarian section delivery), my baby was too big, she was 8.3 lbs, so it was hard. I had post partum moments pero nagpapasalamat ako kasi I had my partner, my boyfriend, Norman, supporting me so much and even my family. ‘Yun lang naman ‘yun, eh, you just have to have a good support group,” kwento pa ng aktres.
During her postpartum moments, bigla na lang daw siyang iiyak na wala namang dahilan. “Para kang Sisa, ‘hala, ginoo, ba’t bigla ka na lang umiiyak?’ ‘yung ganu’n. Tapos pagtingin mo sa salamin, ano ang nangyari sa katawan ko, bakit ganito? Ganyan-ganyan.
“Pero hindi severe ‘yung post partum ko, feeling ko rin, kabaliwan ko lang din ‘yun, inaaano (pinapalagay) ko na lang na post partum para sosyal,” natatawa niyang sabi. Pero madali namang bumalik ang dating katawan ni Beauty dahil nang makita namin siya sa presscon ng The Achy Breaky Hearts, parang hindi nga siya nanganak.
Aniya ay hindi raw siya nag-exercise nang lagay na ‘yan dahil nga bawal since CS siya. Pumayat daw siguro siya dahil sa pag-aalaga ng baby. “Siyempre, I’m very hands on with my child and in the house, so anything regarding my kid, ‘yung puyat, padede, lahat, so nakakapayat din siguro, di ba?
“And we always travel, and I only travel with my partner and the baby, walang yaya, so nakakapayat din talaga.
“So I think that’s why. And I control my eating na. Puro dahon-dahon, lettuce, camote, gulay-gulay, tapos tofu-tofu,” she said.
- Latest