^

Pang Movies

Cheska at Rica may inamin kay Igan!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang mga host ng bagong GMA News TV program na Mommy Manual na sina Cheska Garcia-Kramer at Rica Peralejo-Bonifacio ang makakakuwentuhan ni Igan Arnold sa Tonight with Arnold Clavio bukas, Miyerkules (June 29).

Alamin kung cool o strict ba sa kanilang mga anak ang dalawang celebrity moms. Ibabahagi ni Rica ang kuwento kung bakit wala raw TV sa loob ng kanilang bahay. Si Cheska naman, may sasabihin tungkol sa pagpasok sa showbiz ng kanyang mga chikiting.

At sa “Nasubukan n’yo na ba?”, level up ang cha­llenge. Pati presyo ng bilihin sa palengke at pamasahe sa jeep, itatanong ni Igan sa guest moms. At kung na-miss ng viewers ang mala-anghel na tinig ni Rica, mapapakinggan muling kumanta sa TWAC ang singer. May bonus pang version ng kanta mula kay Cheska, na tiyak kukumpleto sa inyong gabi! Abangan din ang magiging reaksyon nila sa sorpresang mensahe mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

Makikisaya pa ang newest Kapuso boy band na nagmula sa reality talent search na To The Top–sina  Miko Manguba, Mico Cruz, Louie Pedroso, Joshua Jacobe, at Adrian Pascual o mas kilala bilang T.O.P.

Pakinggan ang kantang Paggising na mula sa kanilang top-selling, self-titled album.

Abangan lahat ng ito sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules (June 29), 10:15 p.m. sa GMA News TV.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with