^

Pang Movies

Jessy tanggap ang ginawa ni Luis!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

For this year, hindi actually priority ni Jessy Mendiola ang pag-ibig. She wants to concentrate ins­tead on her showbiz career na maganda ang takbo sa kasalukuyan.

Kaya, parang okay lang sa kanya ang ginawang pagdi-deny ni Luis Manzano sa social media account nito tungkol sa kanila.

Jessy admits na-inspire siya sa magagandang reviews na kanyang natanggap sa kanyang perfor­mance in the series, You’re My Home, kung saan nakasama niya sina Richard Gomez, Dawn Zulueta at JC de Vera.

Napapanood siya ngayon sa gag program na Banana Sundae every Sunday.

At siya rin daw ay nagulat dahil may comedy ta­lent daw pala siya.

Isa raw sa mga priorities niya sa taong ito ay magkaroon ng house para sa kanyang pamilya. Mayroon na raw siyang blueprint nito na inaprubahan na ng kanyang ina.

It’s her mom daw who serves as her inspiration, since with her around, Jessy thinks she’ll not go wrong.

Nova at Freddie hiwalay na!

Sina Nova Villa at Freddie Webb, in their younger time, ay isa sa mga pinakasikat na comedy tandem.

Kung ilang taon ding namayagpag ang kanilang sitcom na Chika, Chika, Chicks, which also starred, among others the then younger too, and voluptuous Carmi Martin.

Well, aktibo pa rin pareho sina Nova at Freddie. But they are no longer a team. Si Nova ay nasa cast ng Sa Piling Ni Nanay, bagong series ng GMA 7, na pagbibidahan ni Yasmien Curtis at Katrina Halili, plus Mark Herras.

Gumaganap naman si Freddie na lolo ni Elmo Magalona sa bago ring series na Born For You, kung saan first time na makakatambal ni Elmo si Janella Salvador.

Of Carmi, siya ang gumaganap na ina ni Ryan Agoncillo sa GMA 7 sitcom, Ismol Family.

Vina biglang nagulo ang lovelife

Sad naman, Salve A., na kung kailan, ayon kay Vina Morales, natagpuan na niya ang true love of her life, Frenchman Marc Lambert, heto at may problema naman siya sa ama ng kanyang se­ven year-old na anak na si Ceana.

Nag-file si Cedric Lee, ama ni Ceana ng kaso laban kay Vina sa karapatan niya dito bilang ama.

May legal case rin against Cedric naman si Vina, na mas makabubuting huwag nang pag-usapan dahil both kaso nga ay nakahain na sa korte.

Vina currently is busy, too, with a new series, Born For You, kung saan gumaganap siyang ina ni Janella.

Born For You is directed by Onat Diaz and Jon Villarin.

Kapwa singers din ang gumaganap na parents ni Elmo sa Born For You, sina Ariel Rivera at Ayen Laurel.

Sarah ayaw magmukhang nanay

When Sarah Labahti met with members of the entertainment press sa pocket interview para sa kanyang unang pelikula sa Star Cinema, The Achy Breaky Hearts, co-starring her with Ian Veneracion, Richard Yap, Beauty Gonzales at Jodi Sta. Maria, wala sa hitsura niya na isa na siyang ina sa magtatatlong taong gulang na si Zion.

She’s now 22. And she’s glad, she has her partner, Richard Gutierrez, to turn active anew sa kanyang showbiz career.

Prior to her appearance in The Achy Breaky Hearts, umapir na rin si Sarah sa ilang programa ng ABS-CBN, kabilang na ang Ipaglaban Mo.

Nagsimula ang showbiz career ni Sarah sa GMA 7.

Sa The Achy Breaky Hearts, gaganap si Sarah bilang dating girlfriend ni Richard Yap, who broke up with her when he realized na in love pa siya sa kanyang dating girlfriend na si Jodi.

Directed by Antionette Jadaone, mapapanood na ang The Achy Breaky Hearts in theaters nationwide bukas, June 29.

Ngayong gabi ang premiere ng pelikula sa Megamall.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with