^

Pang Movies

Dingdong at Marian gagawa ng second baby sa America!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Papuntang Amerika ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rive­ra sa September 24 for a show, titled Laugh Trip in America sa Pearson Park Amphitheater, Anaheim, California. 

Laugh trip dahil kasama nilang magso-show ang mahuhusay na comedians, sina Ate Gay, Boobsie Wonderland at Boobay.

Pero tatapusin muna nila ang taping ng requel ng Encantadia na pareho silang may very special participation; si Dingdong as Haring Raquim at si Ma­rian as Mine-A Ynang Reyna. 

This July na magsisimula ang ai­ring ng Encantadia sa primetime block ng GMA 7. May tanong sa mag-asawa ang DongYans, second honeymoon na rin daw ba nila ulit ang biyahe nila pa-America, at masusundan na ang kanilang si Baby Letizia?

Movie nina Alden at Maine mabenta sa block screenings

Tuluy-tuloy na ang pagpu-promote para sa movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na Imagine You & Me.  Kahit ang Eat Bulaga ay tumutulong din sa promo tulad ng tweet nilang “expect ng K.I.T. (kilig, iyak, tuwa) ang mga manonood ng movie na dinirek ni Mike Tuviera for GMA Films at APT Entertainment, Inc.

Kung marami nang na-organize na block screenings here, simula pa lamang sa opening day ng movie nationwide sa July 13, sa amin man ay marami na ring nagtatanong ng tungkol sa block screening abroad.  Lahat naman pala ito ay inaayos na rin ng APT Entertainment at pwede kayong tumawag sa kanilang opisina.  Balita namin, marami nang nakabili ng rights ng block screening, isa na rito ang Red Productions ng Vancouver, Canada, na producer ng Bae in the City concert noon ni Alden with Rocco Nacino.

At this July, in time sa pagsi-celebrate ng AlDub ng kanilang first anniversary as a love team, lalabas din ang Forbes Magazine, a business and lifestyle magazine, na cover sina Alden at Maine, kasama ang big boss nilang si Mr. Antonio Tuviera.

May video pa sina Alden at Maine na nag-iimbita sa AlDub Nation na bumili ng copy.  It seems na sunud-sunod na naman ang paglabas ng magazines na cover sila tulad noong nagsisimula pa lamang ang love team, na that time, hindi pa sila pwedeng mag-pictorial at hindi rin sila pwedeng ma-interview nang sabay.

Samantala, puring-puri naman ng mga kasama nilang artista sa Imagine You & Me ang ang magka-loveteam. Sa movie, barkada ni Maine as Gara sina Cai Cortes, Cacai Bautista, Lovely Abello.  Ang saya-saya raw kasama ang dalawa, lalo iyong eksena nilang nasa karaoke bar sila. Game na game raw sa pagkanta sina Alden at Maine.

“Pero ang na-touch ako nang hindi ako pwede sa araw ng shooting namin,” kuwento ni Cai. “Akala ko, hindi na ako makakasama sa movie, at siyempre, nakakahinayang na mawala ang chance ko para sila makatrabaho.  Alam ko everybody ay gusto silang makatrabaho.  Pero natuloy din ako, ang tuwa ko nang sabihin sa akin na sina Alden at Maine ang nag-adjust sa schedule ko.  Ang bait-bait nila talaga, no wonder na mahal sila ng kanilang mga fans.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with