^

Pang Movies

Most beautiful pinag-aagawan ng Jadine at AlDub?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Malapit na ang announcement ng Most Beautiful Celebrity ng Yes! Magazine at mangyayari ito sa susunod na buwan.

Kanya-kanya ng hula ang fans. May mga nagsasabi na malaki ang laban ng loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza pero ayaw magpatalo ng mga tagahanga nina James Reid at Nadine Lustre.

Dalawang beses nang naging cover ng YES! Magazine ang AlDub loveteam kaya may mga pumupusta na malaki ang chance na tanghalin na Most Beautiful ang JaDine na sangkatutak din ang mga product endorsement.

Tikom ang bibig ng Yes! staff. Ayaw nila na magbigay ng clue. Hintayin na lang daw natin ang unveiling ng Most Beautiful issue ng Yes! sa  July 2016 dahil isang malaking announcement ang inihahanda nila.

Miss Manila napanood sa dalawang channel

Natuwa ang mga winner at loser sa Miss Manila 2016 dahil dalawang beses na ipinalabas sa TV ang coronation night ng beauty pageant na sinalihan nila.

Ginanap ang coronation night ng Miss Manila 2016 sa PICC Reception Hall noong Biyernes, June 24 at kinabukasan, ipinalabas ito sa TV5.

The following night, muling ipinalabas ang Miss Manila 2016 sa IBC 13 kaya maligayang-maligaya ang mga kandidata dahil dalawang beses nila na napanood ang mga sarili.

May mga talunan na hindi nawala ng pag-asa dahil sasali raw sila sa ibang mga national pageant sa susunod na taon. Paghahandaan daw nila ang kanilang susunod na laban dahil naging maganda na training ground ang Miss Manila 2016.

Adik na ina pinatay ang anak na tatlong taon

Nakakagalit ang balita ng mga television news prog­ram tungkol sa isang addict na ina na pinatay sa saksak ang kanyang 3-year old child.

Naturingan na buntis ang babae pero gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Hindi natin masisisi si President-elect Rodrigo Duterte sa kampanya nito laban sa drugs dahil marami nang buhay ang nasisira.

Suportado ko ang kampanya ni Papa Rody na tugisin at tsugihin ang mga drug pusher dahil mga salot sila sa lipunan.

Alfred balik-pinas

Balik-Pilipinas na si Alfred Vargas dahil sa oath-taking niya sa June 30 bilang re-elected house representative ng District V ng Quezon City.

Nagpapasalamat si Alfred sa lahat ng mga nagtiwala sa kanya dahil magpapatuloy ang paglilingkod niya sa mga residente ng District V.

Walang kahirap-hirap ang kandidatura at kampanya ni Alfred dahil wala siyang kalaban. Buong-buo ang kumpiyansa sa kanya ng constituents niya.

Lani at Jolo may bahid ng kalungkutan ang panunumpa

Nauna nang manumpa si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa kanyang nanay na si Lani Mercado, ang bagong halal na alkalde ng Bacoor City.

Nanumpa si Jolo noong Biyernes bilang re-elected vice go­vernor ng lalawigan ng Cavite. May bahid ng kalungkutan ang panunumpa ni Jolo dahil wala ang kanyang tatay na si Senator Bong Revilla, Jr. na naka-detain sa PNP Custodial Center.

Si Bong ang inspirasyon at idol ni Jolo  kaya nagkaroon din ito ng successful political career.

Manunumpa naman si Lani sa linggong ito bilang bagong alkalde ng Bacoor City. Knowing Lani, malulungkot din siya dahil wala si Bong sa isa sa mga mahahalagang araw sa kanyang political career.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with