^

Pang Movies

Balang natural na natural ang pagiging bakla sa Conan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bagay na bagay sa child star na si Balang ang role niya sa Conan, My Beautician dahil parang hindi siya umaarte ‘ha?

Pinanood ko kahapon ang pilot episode ng sitcom ni Mark Herras at ang eksena ni Balang ang bumulaga sa akin.

Bading na anak ni Lotlot de Leon ang role ni Balang na nakilala dahil sa mga guesting niya sa talk show ni Ellen DeGeneres.

Effortless ang acting ni Balang as in nabigyan nito ng justice ang role niya bilang batang bading na mahusay mag-make up.

Naalala ko tuloy ang kuwento sa presscon ng Conan, My Beautician. Isang reporter ang nagsabi sa kapwa reporter na magtanong kay Balang kung okey lang na nata-typecast na bading sa mga TV show ang bagets dahil baklita rin ang role niya sa Magkaibang Mundo.

Hindi napansin ng nagpapatanong na reporter na katabi pala ng kausap niya ang madir ni Balang na dedma at nagpanggap na walang narinig.

Kung sabagay, tanggap naman ng nanay ni Balang ang pagkatao ng kanyang anak na nagdadala ng suwerte sa pamilya nila. Dalawang beses nang nakakapunta sa Amerika ang nanay ni Balang at libre ang mga biyahe niya, courtesy of Ellen DeGeneres.

Kung naging babae lang, Mark mas maganda pa kesa kay Winwyn!

Kung naging tunay na babae si Mark Herras, mas maganda pa siya sa kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez at ito ang sey ng fans na nakakita sa litrato nila.

Bihis-babae si Mark sa picture na inilabas ni Winwyn. In character si Mark at mismong ang kanyang dyowa ang nag-make up sa kanya.

Hindi naman siguro maiinsulto si Winwyn sa obserbasyon ng fans dahil kapag in character si Mark sa role niya sa Conan, My Beautician, mestisang-mestisa siya at tumitingkad ang kanyang beauty kaya sapaw na sapaw niya ang girlfriend.

Nag-trending kahapon ang pilot telecast ng Conan, My Beautician kaya nagpapasalamat si Mark Herras sa lahat ng mga nanood at pumuri sa kanyang convincing performance.

Si Jay Manalo ang tatay ni Mark sa bagong sitcom ng Kapuso Network.

May mga nagkomento na bagay na mag-ama sina Jay at Mark. Napansin din nila na bumata ang hitsura ni Jay dahil  pumayat ito at malinis na malinis ang mukha.

Boobsie nakakapunta sa mga mall nang hindi nakikilala

Nanibago naman kay Boobsie Wonderland ang mga nanood ng Conan, My Beautician dahil may ngipin siya.

‘Yon talaga ang tunay na hitsura ni Boobsie na inaalis ang kanyang pustiso kapag in character siya bilang Boobsie.

Mary Jane ang tunay na name ni Boobsie na nagsabi na pabor sa kanya ang pagkakaroon ng dalawang karakter dahil nakakapunta siya sa mga mall na hindi nakikilala ng mga tao.

Mahusay na singer si Mary Jane dahil may husky singing voice siya pero click na click sa mga tao ang  Boobsie Wonderland character n­iya na nag-akyat sa kanya ng maraming datung.

Bago siya naging stand-up comedian sa mga comedy bar, matagal na nagtrabaho si Mary Jane bilang Japayuki. Kontesera rin siya dahil sumali si Mary Jane sa mga contest noon ng Eat Bulaga at mga variety show ng ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with