^

Pang Movies

Marami na ring death threats Anak ni Dawn muntik ma-kidnap!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Seryoso ang NBI na malaman kung sino nga ang nagbabantang kidnapin ang anak ng aktres na si Dawn Zulueta. Isipin ninyo, muntik na raw makuha ang bata habang papalabas sa eskuwelahan kung hindi lamang naging maagap ang sundo nito. Nauna roon, sinasabing may mga kumukuha ng pictures sa anak ng aktres. Mayroon din daw nagtungo sa set ni Dawn at tinatanong kung ano’ng oras siya darating at kung saan ang location ng taping.

Kung sabagay, matagal na raw ang mga pagbabantang iyan, pero ang akala nila noong araw ay mga intriga lamang sa pulitika dahil alam naman natin na ang asawa ni Dawn ay isang congressman. Pero dahil sa mga kahina-hinalang nangyayari lately, hindi mo na masasabing biro lang iyan. Kailangan talagang maimbestigahan na iyan.

Sana naman mahuli na agad kung sino man ang gumagawa nito para mapanatag naman ang kanilang buhay.

Wala talagang forever Alden at Maine paghihiwalayin na raw

Ewan kung nagkakamali ang ilang observers sa pagsasabing mukhang may iba nang plano ang mga handlers ng career nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ang mahirap nga kasi, kahit na love team sila, magkaiba sila ng handlers. Si Maine ay nasa ilalim ng kumpanya ni Tony Tuviera. Si Alden naman ay naka-kontrata sa GMA 7. Sabihin man natin na ang dalawang iyan ay parang nagkakaisa na rin, minsan may iba pa rin naman silang interests.

Natural na sa kaso ng Tape, Inc., mas bibigyan nila ng proteksiyon si Maine dahil bukod sa discovery nga nila iyon, sila ang handlers ng kanyang career. Habang napapahaba nila ang popularidad ni Maine, mas maganda rin naman para sa kanilang kumpanya.

Ganoon din naman ang GMA 7. Maaaring may mga idea pa sila para mas mapa-angat si Alden, at kung kailangang ihiwalay siya kay Maine, gagawin nila iyon.

Nagkakaroon ng mga ganyang tunugan dahil sa mga statement na lumalabas nitong mga nakaraang araw na baka kailangan na nga nilang subukang gumawa naman ng iba pagkatapos ng isang taon na ang laging magkasama na lang ay ang AlDub. Oo sikat sila, pero makalipas ang isang taon, makikita mo naman na nagle-level na ang popularidad ng love team. Hindi mo na nga masabi kung ano ang mangyayaring kasunod. Depende iyan sa magiging resulta nila pagkatapos ng July. Eh talaga namang wala kang masasabing forever.

Lahat naman ng love teams ganyan. Kahit na ang mga pinakasikat na love teams noong araw, pinaghihiwalay din naman. Hindi dahil sa ano pa man, pero iyon ay para mapahaba pa ang kanilang career. Proteksiyon iyon sa kanila. Pero siyempre kung maghihiwalay, mayroong mas mapipilay. Sa kaso nina Alden at Maine, sino nga kaya ang mas maiiwan?

Sa murang halaga para maging pera dating sikat na aktres for sale na ang mga naipong gamit

Kawawang isipin na ang isang female star na sikat din naman noon ay mapapansin ngayong ibi­nebenta na ang kanyang mga gamit, dahil hindi na raw niya kailangan. Pero halata mo sa presyo niya sa mga gamit na iyon na matindi ang pangangailangan sa pera. Mataas daw ang presyo, pero kung walang pumansin, tawaran man nang napakababa ibibigay na rin niya, maging pera lang.

Hindi kasi siya naging wise noong panahong sikat pa siya eh.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with