^

Pang Movies

Barbie nadadala na sa tagaytay ni Kiko

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa mga ngiti at bungisngis pa lang ni Barbie Forteza sa tuwing tinatanong sa kanya ang boyfriend na si Kiko Estrada, obvious na sobrang in love ang young actress sa love child nina Gary Estrada at Cheska Diaz.

Pagdating nga sa relasyon nila ni Kiko, very open na si Barbie.

Kahapon ay tinanong ko ang nanay ni Barbie, si Mommy Amy, kung okay lang ba sa kanila ng kanyang mister na si Kiko ang boyfriend ng anak?

May “playboy” image kasi si Kiko at sinasa­bing mana sa ama niyang si Gary.

“Nag-a-advice lang po kami ni Daddy kay Barbie,” sabi ni Mommy Amy. “Kung sino naman po ang okay kay Barbie, okay rin po sa amin ni Daddy!”

Ayaw din daw nilang mag-isip ng anumang negative tungkol kay Kiko.

“Kasi kung mag-iisip kami ng negative kay Kiko o sa kahit na sinong manliligaw ni Barbie, wala na po kaming magustuhan! So, hindi po namin iniisip na may ganoong image si Kiko,” sabi pa ng mommy ni Barbie.

Pinapayagan din daw nilang mag-date sina Barbie at Kiko.

“Kung saan po ‘yung date nila, inihahatid po namin si Barbie. Ganoon po,” dagdag pa ng nanay ni Barbie.

Pero noong nagpunta raw ng Tagaytay ang kanyang anak kasama si Kiko, pinayagan nila at hindi na sinamahan.

May tiwala raw sila kay Kiko at lalong may tiwala naman sila kay Barbie.

 Jolo at Jodi madalas naghihiwalay at nagbabalikan

Parang hindi big deal sa fans ang hiwalayan nina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Dahil kaya palagi namang naghihiwalay at nagkakabalikan ang dalawa?

Anyway, sumusumpa ang ilang malalapit kay Jodi na hindi gimmick para sa pelikula nila nina Richard Yap at Ian Veneracion ang pagsasalita ni Jodi tungkol sa pagiging friends na lang nila ni Jolo.

Wala raw sa image ni Jodi na ginagamit ang kanyang lovelife sa publicity ng kanyang mga proyekto.

Manay Aster balik-TV

Balik-telebisyon ang entertainment columnist na si Aster Amoyo pagkatapos mawala sa ere ang Walang Tulugan with the Master Showman dahil sa pagyao ni German Moreno (SLN).

Si Manay Aster ngayon ang may hawak ng showbiz segment ng Gandang Ricky Reyes sa GMA NewsTV na napapanood tuwing Saturday morning.

Guests mamaya sa Showbiz Express segment ni Manay Aster sina Yasmien Kurdi, Mark Herras at Katrina Halili na stars ng Sa Piling ni Nanay drama series ng GMA 7.

Ang payo namin kay Manay Aster, dapat exclusive interview sa mga artistang hindi nagpo-promote ng kanilang mga proyekto ang i-feature niya para mas maging kaabang-abang ang segment niya sa GRR!

Sabi naman ni Manay Aster, hanggang maaari, naghahanap daw talaga siya ng mga artistang puwede niyang ma-exclusive interview.

Gusto nga raw niya na mapagsabay-sabay ang Gutierrez family habang hindi pa nagkakaroon ng media launch ang 4th season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with