^

Pang Movies

Kahit tanghaling pinakaseksing babae Jessy hindi bibigyan ng victory party?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Maugong ang balitang si Jessy Mendiola ang nanguna sa botohan sa 100 Sexiest ng FHM magazine. Pero wala pang pormal na announcement ang namamahala sa magazine tungkol dito dahil sa July issue ng magazine malalaman ang resulta ng botohan.

Eh ang masaklap na balita, baka hindi na raw magkaroon ng victory party kung saan rarampa ang number 1 pati ang ibang contenders. Rason daw ng organizers, malaking factor ‘yung nangyari sa Close Up event kung saan may mga namatay.

Siyempre, lalabas na kawawa si Jessy ‘pag walang selebrasyon at malulungkot ang fans niyang bumoto sa kanya lalo na si Luis Manzano, huh!

Hintayin na lang natin ang panig ng FHM tungkol dito.

Komedyante itutulog na lang ang kawalan ng sex life

Makinis-kinis na ang pisngi ngayon ng character actor na si Jerald Napoles. Nakakaluwag-luwag raw kasi siya ngayon sa rami ng trabahong ginagawa.

“May pa-sponsor na rin kasi ngayon. May nagtiyaga! Ha! Ha! Ha! Sa mukha ko!” katwiran ni Jerald sa presscon ng bagong comedy show na Conan, My Beautician na mapapanood na bukas sa GMA, 5:00 p.m.

Sa teatro unang nagsimula si Jerald at napansin ang pagi­ging komikero niya sa play na Care Divas. Sinundan ito ng Rak of Aegis na merong re-run uli sa PETA Theater hanggang August. Tuwing weekends lang ang labas niya kaya naman puno ang Sundays niya mula sa tanghali sa Sunday PinaSaya. Bahagi rin siya ng movie na Camp Sawi.

Sila ni Aicelle Santos ang magkapareha sa Rak of Aegis. Bakit hindi niya niligawan ang Kapuso singer?

“Hindi ko na na-push eh. Deserved naman niya si Mark Zambrano,” tugon ng character actor.

Paano na ang sex life niya sa rami ng trabaho?

“Harut-harot lang! Ha! Ha! Ha! Okey lang. Mas maraming trabaho. Itutulog ko na lang,” katwiran ni Jhe.

Pero hindi naman siya bading?

“Ay, hindi!” bulalas niya. “Pero pa-mhin ako rito!” sey ni Jerald.

Pero may experience na siya sa bading, ‘di ba?

“Wala pa! I will think about that! Ha! Ha! Ha!” deklara ng character actor.

Baron at Kiko nagpapaliguan ng ihi

Inispreyan ni Kiko Matos ng ihi si Baron Geisler sa weigh in nila kahapon bago ang laban nila ngayon sa video na aming napanood sa news website.

“Kainin mo ang t____ ko sa likod. Shower me with your love, baby. I’m gonna make you my b___! ‘Yun siguro ang ginagawa sa ‘yo ng mga bakla mo! Gustung-gusto mo ng golden shower!” buwelta ni Baron kay Kiko.

“Bakit alam mo?” sagot naman ni Kiko.

“Hindi. Alam ko. Dahil ‘yan ang ginagawa sa akin ng mga babae ko! Iniinom ko pa!” buwelta ni Baron.

“Tapusin natin ‘yan bukas,” awat naman sa kanila ng organizers.

Sige lang, huh! Baka press release lang ‘yan pagiging matigas ninyong dalawa, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with