^

Pang Movies

Paolo amang-ama na sa anak ni LJ

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ire-renew ng GMA 7 ang kontrata ni Paolo Contis kaya gusto ko nang isipin na suwerte sa kanya si LJ Reyes.

Nag-dialogue si LJ na malaki ang iginaan ng buhay niya buhat nang magkaroon sila ng relasyon ni Paolo.

Puwede nang sabihin ni Paolo na the feeling is mutual dahil mukhang lucky charm niya ang dyowa na best actress ng Gawad Urian.

Nakipag-meeting ako kahapon sa mga bossing ng GMA 7 para sa kontrata ni Paolo.

Hindi pa alam ni Paolo ang good news dahil may hosting job pa siya sa isang hotel sa Cubao kaya hindi pa kami nagkakausap.

Wala akong Facebook o anumang klase ng social media account.

May nagkuwento lang sa akin na sweetness overload ang mga litrato nina Paolo at LJ sa Facebook.

Talagang in love na in love daw ang dalawa sa isa’t isa kaya wish ko lang, maging forever na ang kanilang relasyon.

Hindi lamang si LJ ang mahal na mahal ni Paolo dahil mahal din nito si Aki, ang lovechild nina LJ at Paulo Avelino.

Si Paolo na ang tumatayo bilang ama ni Aki dahil sila ang  mas madalas na  magkasama. At least, hindi malilito ang bagets dahil magkatunog ang pangalan ng kanyang biological father at stepdad.

Cristina nag-imbita sa Tacloban

Nag-imbita si Cristina Gonzales ng entertainment press sa oath-taking niya bilang bagong halal na mayor ng Tacloban City.

Kahit iba na ang mundo ni Cristina, never  na nakalimutan niya ang showbiz na naging mabuti sa kanya.

Nang magkita kami ni Cristina sa kasal nina MJ Marfori at Oscar Oida noong January 2016, inimbitahan niya ako na bumisita sa Tacloban City.

Nagkita uli kami ni Cristina sa presscon para kay Senator Bongbong Marcos. Inulit ni Cristina ang imbitasyon pero wala pa ako sa mood na rumampa sa malalayong probinsiya, lalupa’t kagaga­ling ko lang sa Dumaguete at Siquijor noong nakaraang buwan.

Congratulations na lang kay Cristina na tiyak na magiging mahusay na mayor ng Tacloban City, sa tulong ng kanyang asawa, ang outgoing mayor na si Alfred Romualdez.

Dating That’s Member, namatay sa Pneumonia

Pneumonia ang ikinamatay ng former actor na si Dan Yniguez at nakaburol ang labi niya sa Loyola Memorial Chapel sa Guadalupe, Makati City.

Iilan na lang ang nakakakilala kay Dan dahil hindi na siya active sa showbiz.

Dating member si Dan ng Monday Group ng That’s Entertainment mula 1990 hanggang 1994. Huling napanood si Dan sa Walang Tulugan nang magkaroon ng tribute para kay German Moreno.

Ikinalungkot ng mga miyembro ng Monday Group ng That’s Entertainment ang biglaan na pagkawala ni Dan. Hindi raw sila nawawalan ng komunikasyon, kahit iba’t iba  na ang mga pinagkakaabalahan nila.

Sen. Maceda ngayon ang libing

Ngayon naman ang libing ni former Senator Ernesto Maceda sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Ibinalik kahapon sa Mt. Carmel Shrine ang labi ni Manong Ernie matapos iburol sa Senate of the Philippines noong Huwebes. Binigyan din siya ng parangal sa Manila Hotel.

Nakikiramay uli ako sa mga naulila ni Manong Ernie, sa kanyang misis na si Manay Ichu Maceda at sa kanilang mga anak na lalake.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with