^

Pang Movies

Ted Failon napipisil na chairman ng MMDA?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Si Ted Failon nga ba, Salve A., ang susunod na minamataan ng incoming Duterte administration, para tumayong Chairman ng Metro Manila Deve­lopment Authority (MMDA)?

Wow, ‘pag nagkataon, mami-miss namin ang kanyang programang Failon Ngayon, Saturday, on ABS-CBN.

In his program kasi, nabibigyang liwanag ni Ted ang mga puwedeng ituring na pangkaraniwang isyu na mahalaga sa pangkaraniwang mamamayan.

Halimbawa na lang ang na-implement nang karagdagang dalawang taon, na dapat pang bunuin ng isang estudyanteng nagtapos na ng fourth year, bago siya makapag-college.

Inilahad ni Ted ang pros and cons ng issue. In layman’s language, kumbaga.

Ted, tanong lang: Ano pa nga ba ang nangyari sa well-talked about na TESDA ng pamahalaang Aquino, na isa sa dahilan kung bakit umani ng maraming boto si now senator Joel Villanueva?

Di nga ba at ang TESDA ay somehow inu-offer na ang mga vocational courses na kasama sa curriculum ng tina­guriang K12?

Of Ted, hindi puwedeng sabihing alien sa kanya, kumbaga, ang politics, as he once served as Congressman ng Tacloban City, ‘di ba?

Janice busy sa negosyong lutong bahay

Guess what’s keeping Janice de Belen busy, maliban sa kanyang mga showbiz assignment?

Sagot: Ang kanyang online food business na tinawag niyang Super Janice.

Well, si Janice ang mismong nagluluto ng mga pagkain na inu-order sa kanya. May passion daw talaga siya sa pagluluto. Although, hindi raw siya graduate ng Culinary Arts, tulad ng kanyang anak na si Igi (ang ama ay si Aga Muhlach), who now works as a professional chef in a plush hotel and restaurant.

As an actress Janice is seen daily, weekdays, bago mag-It’s Showtime sa Be My Lady, na pinagbibidahan ng real-life sweethearts na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, plus Geoff Eigenmann.

She is also in the movie, I Love You To Death, na gaganap na ina ni Kiray Celis. Produced by Regal Entertainment, na kasama rin si Enchong Dee.

Nasa cast din si Janice ng indie movie, Ringgo: The Dog Catcher, na ipapalabas sa World Premieres Film Festival.

Beauty ‘di makakalimutan ang ginawa ni Jodi

Parehong may magagandang sinabi sina Beauty Gonzales at Sarah Lahbati kay Jodi Sta. Maria, na first time nilang nakatrabaho sa soon-to-be released Star Cinema movie, The Achy Breaky Hearts.

Beauty, who is mom to a four-month-old baby girl, plays Jodi’s best friend. Kaya, karamihan daw sa mga scenes niya are with Jodi.

Kumbinsido raw siyang lalo na talagang magaling na artista si Jodi. Pero, mas hinangaan daw niya rito ang pagiging mabait at professional nito.

“Hindi niya ako itinuring bilang isang second lead lang niya. Sa mga eksenang magkasama kami, she follows me to do my thing. With, of course, the approval of our director.

“Sana, makatrabaho kong muli si Jodi,” pahayag ni Beauty.

Sarah mas maraming eksena kay Richard

Ang makatrabaho ‘di lang si Jodi, kung hindi maging sina Ian Veneracion at Richard Yap, iyan naman daw ang wish ni Sarah.

In the Achy Breaky…, walang eksena si Sarah with Ian. Kahit kay Jodi, mabibilang sa daliri ang eksenang pinagsamahan nila.

‘‘Mas maraming eksenang kasama ko si Richard, since I supposedly play his girlfriend in the movie, matapos niyang iwanan si Jodi.

‘‘But, of course, makikipag-break din siya sa akin, since magde-decide siyang balikan si Jodi,’’ patuloy ni Sarah.

The Achy Breaky… is just one among several projects, which ABS-CBN and Star Cinema have lined up for her, dahil isang confirmed Kapamilya talent na nga siya.

Sarah said happy si Richard Gutierrez, dad ng kanyang two year-old son na si Zion, sa ilusyon niyang maging aktibo sa pag-arte muli. And with no less than ABS-CBN backing her up.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with