Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ate Vi may limang apo na!

MANILA, Philippines – May mga nagulat sa pahayag ni Gov. Vilma Santos na may lima na pala siyang apo sa isang interview.

Kaya naman marami ang nagtataka-nagtatanong kung nag-asawa na ba ang mga anak nitong sina Luiz Manzano at Christian kaya marami na siyang apo?

Natawa si Ate Vi at sinabing may alaga pala siyang poodle at lima ang naging anak nito na bale kanya na itong mga apo.

Hindi nga raw nakikialam si Ate Vi sa pag-aasawa ng kanyang mga anak.

Every week ay nagdi-dinner silang lahat na parang bonding na ng pamilya.

Bilang kongresista sa Lipa ay marami siyang tungkulin at mga gawain and at least daw nasa Batangas lang siya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Jestoni nasa pista ng Baliuag

Noong nakaraang pista ng Baliuag ay naging panauhin si Jestoni Alarcon.

Sa ginanap na motorcade ay nagkaroon kami ng pagkakataon na makita siya pati na rin ang mga proyekto ng mayor of Baliuag na si Dra. Carolina Delloza.

Pinaganda niya at inayos ang munisipyo. Pinagawaan ng building ang mga senior citizen na humihingi ng tulong. Ipinaayos din niya ang lumang munisipyo ng Baliuag na lumang-luma na.

Naging maayos din ang mga kalsada at maging ang palengke ng Baliuag. Dati ay maraming senior citizens ang naging biktima ng pagdulas sa flooring nito kaya agad pinaayos niya. Nakita rin namin mga pamilyang humihingi ng tulong kay Mayor Carol.

Libreng pakasal at libreng pabinyag ang handog niya sa mga kababayang taga-Baliuag. May mga komento nga, ano pa raw ba ang kulang na hindi pa naibibigay ni mayor sa mga taga-Baliuag. Masasaya ang mga artistang nakarating sa pista ng Baliuag dahil very hospitable raw ng mga tao dito na mang-mana sa ugali ng mayora.

Kabadingan nina Michael at Edgar Allan, bumenta kaya?!

Makalusot kaya sa panglasa ng mga tagahanga ang pelikula nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman  na tungkol  sa pag-iibigan ng dalawang kelot?

Magkumpare kuno na nauwi sa pagkakagusto ng isa sa kumpare niyang beki pala. Bilib kami kay Direk Joven Tan dahil isang malaking sugal ang tema ng naturang movie. Nakakapanood din noon ng kabaklaang pelikula pero si Dolphy lang ang bida.

Subalit kung dalawang seryosong upcoming actor ang magpapakita ng makabagong uri ng pag-iibigan ay makalusot kaya?

Well, abangan nalang ang showing ng naturang movie.       

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: