^

Pang Movies

Maja maganda ang exposure sa movie ni Sen. Jinggoy

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-preview kagabi ang Tatay Kong Sexy na pinagbibidahan nina Sen. Jinggoy Estrada at Maja Salvador na sa June 1 na ang showing sa mga sinehan.

Kahit nakapiit pa si Sen. Jinggoy sa Camp Crame, tinulungan siya ng mga kaibigan na mai-promote at maipalabas ang nasabing pelikula na naburo ng mahigit dalawang taon.

Sadyang nakakatawa ang pelikula at maganda ang exposure roon ni Maja.

Panday ni Richard hinihingan ng replay

Hanggang sa Thursday pa ang taping ng Ang Panday ng TV5 ni Richard Gutierrez.

Ang sabi ng mga taga-TV5, last two weeks na ang nasabing fantaserye. Bale 7:00-7:30 p.m. na ang timeslot nila at this week, Monday-Thursday na sila mapanood.

May suggestion na kapag natapos na ang Ang Panday ay i-replay ‘yon simula sa umpisa, pero kailangan sa iisang timeslot na lang at hindi ‘yung nakakalito na papalit-palit.

Maganda ang feedback sa Ang Panday, medyo nalito lang ang viewers sa papalit-palit na timeslot ng nasabing fantaserye.

Lovi mag-iikot muna sa abroad

Si Lovi Poe ang pambato ng GMA PinoyTV para sa 118th Philippine Independence Day Celebration (PIDC) sa Dubai, United Arab Emirates ngayong June 3 na gaganapin sa Dubai World Trade Center.

Lilibot daw muna si Lovi sa iba’t ibang events ng GMA PinoyTV abroad habang inaayos pa ang next primetime teleserye niya sa Kapuso network.

May mga nagtatanong nga pala kay Lovi kung hindi ba siya naiinggit sa kaibigang si Solenn Heussaff na nagpakasal na kamakailan sa France.

Ang sabi lang ni Lovi, masaya siya para sa kaibigan, pero hindi naman daw siya kaagad susunod sa mga yapak ni Solenn. Hindi pa iniisip ni Lovi ang tungkol sa pagpapakasal.

Sisimulan daw kaagad ni Lovi ang pelikulang The Escort ng Regal Entertainment pagbalik niya ng ‘Pinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with