^

Pang Movies

James binuhay ang pagiging party boy!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nangangamoy kontrobersiya na naman ang bagong posts ni James Reid sa Instagram account niya. Isang swimming party kasi ang ganap sa pictures niya at sa post niya, ganoon daw ang type niyang party.

‘Yun nga lang, may ibang babaeng kasama bukod kay Nadine Lustre. Eh, matipid mag-caption si James kaya lalo itong nakakaintriga.

In fairness naman, libu-libo ang likes sa post ni James gaya nu’ng hali­kang post niya sa girlfriend kahit may red letter X, huh!

Tatay ni Alden hindi nakatiIS sa pangit na namimintas kay Maine

Idinepensa ng father ni Alden Richards na si Richard Faulkerson, Jr. si Maine Mendoza nang sabihin ng isang netizen sa social media account niya na, “Ang pangit ni Maine.”

Sumagot agad si Daddy Bae ng, “Pasensiya na po kayo kung hindi ninyo nagustuhan yung bata. GOD BLESS SA INYO.”

Natuwa naman siyempre ang AlDub Nation sa pagtatanggol ng father ni Alden kay Meng.

Eh nang makita namin ang picture ng nag-post, ang lakas ng loob niyang magsalita ng pangit, huh!

Anyway, sa pagkakaalam namin, nan­dito na sa bansa sina Alden at Maine after ng shooting nila ng movie sa Ita­ly. Ipagpapatuloy ang shoot nila rito sa isang boarding house.

Yassi hindi na pinakawalan ang Dumadagundong

Inilantad na ng PhilPop ang interpre­ters ng 12 finalist sa 2016 songwri­ting competition na mag-aagawan sa prem­yong P1-M sa July 23 finals night na magaganap sa Kia Theater sa Cubao, Quezon City.

Bukod sa kilalang celebrities gaya nina Nyoy Volante, Jason Dy, Yassi Pressman, Sugar and Spice, Bayang Barrios, Itchy Worms, Monica Cuenco, binigyang pagkakataon din na maging interpreter ang ilang kompositor ng ilang kasaling kanta.

“Isa sa dahilan kung bakit pinayagan silang mag-interpret, walang performer na akmang-akma para sa kanilang kanta. As much as possible we are trying to be true to the essence of the song.

“Like ‘yung kanta ni Ramiru (Mataro – Kahon), sobrang taas. Feeling ko nga, ginawa niyang mataas para siya lang ang makakanta! Ha! Ha! Ha! Siyempre hindi lang ‘yung taas. Kailangan maga­ling sila,” rason ni Maestro Ryan Cayabyab.

Ayon naman kay Yassi na interpreter ng kantang Dumadagundong, nang iparinig ito sa kanya ng composers na sina Mike Villegas at Brian Cua, hindi na niya pinakawalan ang song, huh!

Malaking tulong man ang kilalang performer, aminado si Maestro Ryan na taun-taon ay nahihirapan din silang kumuha ng sikat na performers dahil hindi matanggap ng iba pag sila ay natatalo.

Gayunpaman, ang magtutunggalian sa unang puwesto ay ang mga kantang Sintunado, Stars Are Aligned, Di Na Muli, Friday Night, Tinata­ngi, Binibini sa MRT, Kahon, Dumadagundong, Baliw sa Ex-Boyfriend Ko, Nobody But You, Pabili Po at Lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with