^

Pang Movies

Pelikula nina John Lloyd at Jennylyn napirata na agad

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Pelikula nina John Lloyd at Jennylyn napirata na agad

Three weeks nang palabas ang Just the 3 of Us, ang movie nina John Lloyd Cruz at Jennlyn Mercado under Star Cinema.

At malinaw ang kopya ng pirated copies ng pelikula na mabibili sa mga kanto sa Divisoria at Baclaran. Marami na ring nakapag-download sa internet ng pelikula, pero nasa mga sinehan pa rin ito at tila hindi naapektuhan ang resulta sa box office.

Tama ang sabi ni Lloydie na bitin ang pagsasama nila ni Jennylyn sa J3OS, kaya wish ng aktor na magsamang muli sila ng aktres sa isang project na hiniling nito kay Direk Cathy Garcia-Molina sa isang interview.

Bagama’t maganda ang nasabing movie, mas maraming eksena si Lloydie.

Pero pakiramdam ng actor na hindi pa sapat ang mga eksena nila ng Kapuso actress.

Malakas ang kanilang chemistry, kaya bagay na bagay silang magharutan.

Coleen natuto na, hindi na pumapatol sa bashers

Natuto na si Coleen Garcia na i-handle ang kanyang mga basher. Alam na niyang i-ignore ang kanyang mga critic sa social media sabi nito sa isang interview.

Wala na sa bokabularyo ni Coleen na patulan pa ang mga pumipintas sa kanya na netizen. Hindi na nagpapadala si Coleen kahit ano pa ang sinasabi ng bashers. Sayang naman daw ang kanyang pinaghirapan sa kanyang career kung papatulan at bibigyan pa niya ng oras ang mga ito na hindi naman niya mga kilala.

Lalo na ‘yung grabeng manlait at magbigay ng negatibong comment, pero mga duwag naman dahil hindi nagpapakilala at gumagamit lang ng mga alyas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with