^

Pang Movies

Alden at Maine inisnab ang Italy!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nalalapit na ang pag-uwi nina Alden Richards at Maine Mendoza pero hindi detalyado ang mga balita o update sa mga kaganapan ng shooting ng dalawa sa Como, Italy.

Sa kuwento ng kaibigan namin na si Mylen Manjares na ilang taon nang nakatira sa Como ay kasalukuyang wala sila sa Como ngayon at doon daw sila nagshu-shooting sa Lake Bellagio or Lago de Bellagio.  Nag-checkout na raw sina Maine at Alden sa Metropole Swiss Hotel habang nandun sila sa Como.
Bukod sa villa ni George Clooney sa Lake Como or Lago de Como ay nag-shoot din daw sila sa Villa Olmo na pag-aari ni Sylvester Stallone na nasa Lake Bellagio.

Uuwi na raw ang grupo sa May 26. So bale isang linggo na lang sila doon.
Nagtataka naman kami dahil hindi pa nila nilubos ang kapaligiran gayung malapit lang ang Como sa Milan, Italy at sa kabilang banda ay Lugano, Switzerland kung saan sandamakmak na chocolates ang aming binili. Maliit lang ang Como at madaling ikutin. Kaya after one week ay balik-Bulaga na ang dalawa.

Mall show ng Once Again, tagumpay

Tagumpay ang Once Again mall show ng main cast sa Market! Market! sa Taguig nitong nakaraang weekend. Sa mga Instagram post nila ay kitang-kita ang kasiyahan ng mga taong dumagsa sa nasabing lugar. Maski ang heartthrob na si Jeric Gonzales ay dinumog at sinuportahan ng fans niya. Lahat sila ay nakatutok daw sa Once Again na napapanood gabi-gabi after Poor Senorita sa GMA 7.

Richard magpo-promote ng ligtas na pagmo-motor

Tama lang na si Richard Gutierrez ang kinuha ng Wheeltek at Kawasaki na kaakibat nila sa motorcycle sports. May grupo si Richard sa sport na ito at nakakatulong pa siya sa pagpu-promote ng safe motorcycling sa mga event nila.

Bukod diyan ay busy pa si Richard sa Ang Panday na napapanood sa TV5 at ongoing pa rin ang shoot ng It Take Gutz To be a Gutierrez.

vuukle comment

DRAYMOND GREEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with