^

Pang Movies

Puro kasi pa-cute, Julian Trono nangamote sa Pinoy Henyo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakakalungkot namang panoorin ang mga celebrities natin na sumasali sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga.  Like ni Julian Trono, siya ang celebrity guest kahapon, siya ang huhula sa answer, tao ang huhulaan niya, babae, artista, taga-GMA, naubos ang oras niya sa paulit-ulit na tanong niya kung umaakting ba ito, sa halip na magbigay na lamang siya ng mga names ng mga artistang babae ng GMA, wala siyang nasabing pangalan kundi si Marian Rivera lamang. Pa-cute kasi itong si Julian, kaya walang nasabi!

Tres Marias ni VP Leni at hunk nephew ni Sen. Risa makikipagtsikahan kay Marian

Anyways, hindi namin sure, pero mukhang first time na magkakasamang mag-guest sa Yan Ang Morning ni Marian Rivera mamayang 10:45 a.m. sa GMA 7, ang three daughters ng incoming Vice President ng Pilipinas na si Leni Robredo. Sina Jillian Therese, Janine Patricia at Jessica Marie, ang makakatsikahan ni Kapuso Primetime Queen at makakasama nila si Luis Hontiveros, ang hunk nephew ni Sen. Risa Hontiveros.

Alden nagpakita kung paano maglinis ng Isda sa Italy

Sa ipinadala muling video nina Maine Mendoza at Alden Richards sa mga lola sa kalyeserye ng Eat Bulaga, parang isang buong pamilya pala ang staff and crew ng APT Entertainment, Inc. na sama-sama silang naghahanda ng pagkain at kumakain sa “craft”, ang tawag sa food station ng Italy. 

Si Alden pala marunong maglinis ng isda, si Maine, nagluluto rin at sarap na sarap kumain. May breakfast send-off sila kay Irma Adlawan kahapon na una nang bumalik ng Pilipinas.  May tinuruan pa si Alden na isang Italian staff ng production kung paano kumain ng butong pakwan na mukhang nag-enjoy.

Tanong pa rin ng AlDub Nation kailan ang balik nina Alden at Maine?  Para malunasan ang pagka-miss ninyo sa inyong mga idolo, panoorin ang replay ng first TV guesting nila magkasama sa Tonight With Arnold Clavio sa GMA News TV at 10:15pm tonight.

Members ng TOP nagbalik sa pag-aaral

Nai-launch na ang debut album ng Philippines’ promising boy band na T.O.P. (Top One Project) from GMA Records, tampok sina Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Mico Cruz at Mico Manguba.  Paggising ang carrier single nila, kasama ang San Na, Kaya Ko Kaya Mo, Bakit Gano’n, Somebody at Alaala.

Pinakabata sa group si Adrian Pascual, 17, from Obando, Bulacan. Naging inspirasyon niya si Mico M na siyang nagturo ng tamang technique ng pagkanta.  Si Mico M, 22, ang music man sa group, their band leader.  Naging member siya ng De La Salle Inner Soul.  Louie Pedrosa is 20 mahilig daw siyang  manligaw pero hindi na raw niya mabilang kung ilang beses siyang nabasted. 

Si Mico Cruz, 21 ay mula sa Meycauayan, Bulacan, dating member ng Kundirana at mas gusto niya ang jazz music. 

Si Joshua Jacobe, 22, ay hindi na bago sa recor­ding dahil sa GMA Records siya nag-OJT. Nagkaroon na rin siya ng chance noon na mag-front act sa ilang mall shows ng GMA Records.  Nakapag-guest na rin siya sa ilang drama series ng GMA 7. 

 Lahat ng limang miyembro ng group ay pare-parehong bumalik sa studies nila na nahinto dahil sa competition.

Naka-contract ng two years ang TOP sa GMA Artist Center at three years sa GMA Records.  Digitally released na ang album at pwede nang i-down load sa iTunes, Amazon, Deezer and other digital stores nationwide.  Mabibili naman ang album sa various record bars nationwide at sa www.lazada.com.ph.

vuukle comment

DSA3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with