^

Pang Movies

Duterte may rebelasyon sa paghawak sa mukha pag nasa interview

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bongga si Jose Manalo, natuwa sa kanya si inco­ming President Rodrigo Duterte sa paggaya niya rito as Rodney Juterte sa Sunday PinaSaya sa GMA 7 for the last two Sundays. 

Nag-click nga sila ng eksena nila ni Joierie Pacumo ng live aids group mula sa University of the Philippines, na siya namang nag-impersonate kay incoming Vice President Leni Robredo dahil magkamukha sila at kaya rin niyang gayahin ang pagsasalita nito. 

Nakahingi agad ang GMA News & Public Affairs ng reaction kay Duterte na nagsabi kay Jose ng  “enjoy the show.”  Dahil ginagaya niyang nakahawak sa right face si Duterte, sabi ni Jose, tinatakpan daw niya ang face niya dahil mas makinis ang face nito kaysa kanya.

Ayon naman kay incoming President Duterte, hindi naman daw niya hinahawakan ang face niya, tinutuunan niya ng daliri niya ang likod ng ear niya para mabawasan ang pain na nararamdaman niya, na nakuha raw niya nang minsang naaksidente siya sa motor.  Kaya nagpasalamat sa kanya si Jose.

Maine nag-iwan ng love letter sa bahay ni Juliet

Three shooting days lamang pala talaga ang mahusay na actress na si Ms. Irma Adlawan sa movie na pinagtatambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza, with Jasmine Curtis-Smith, sa Italy. 

Love na love si Irma ng AlDub Nation dahil nakita nilang mahal nito ang kanilang mga bibis (babies) at nag-post siya ng mga BTS (behind-the scenes) pictures ng dalawa. 

Naaliw siyang i-post ang selfie niya habang tulog na tulog si Alden sa isang sofa with the caption na “pagod si bibi.” Kasama rin siyang naglaro ang dalawa ng table game na football ng lunch break nila na si Maine ang nanalo. 

Naintriga nga lamang ang fans sa post niya ng isang picture na kita ang full moon over Lake Como na ang caption ni Irma ay “this picture doesn’t give justice to what I saw tonite.”  Kahit anong kulit ng fans, hindi siya sumagot. 

Sa kalyeserye naman ng Eat Bulaga kahapon, muling nagpadala ng video sina Alden at Maine nang bumisita sila sa La Casa de Guiletta ang house ni Juliet sa Romeo & Juliet ni William Shakespeare, na naganap sa Verona, Italy. Nakita ring nag-iwan ng sulat si Maine among the love letters na iniiwan ng mga lovers doon sa bahay ni Juliet.

GMA may pasalubong kay Jaclyn

Congratulations kay Ms. Jaclyn Jose sa panalo niya bilang Best Actress sa Cannes International Film Festival para sa movie niyang Ma’ Rosa

Naiyak si Jaclyn nang tanggapin ni­­ya ang trophy dahil hindi raw niya ini-expect na siya ang mananalo. Isa na raw magandang experience ang makarampa sila sa red carpet ng Cannes lalo pa at kasama niya ang anak na si Andi Eigenmann.

Pansamantala ngang iniwan ni Jaclyn ang taping ng The Millionaire’s Wife para makadalo sa nasabing festival sa France. 

From France, diretso si Jaclyn sa press launch mamayang gabi ng bagong comedy program ng GMA na A1 Ko Sa Yo na kanyang pangungunahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with