^

Pang Movies

Jaclyn best actress, Ma’Rosa inaabangan kung panonoorin ng mga Pinoy!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nanalo si Jaclyn Jose bilang best actress sa Cannes Film Festival. Hindi siya best actress of the world pero iyang Cannes ang kinikilalang pinakamalaki, at pinaka-prestigious na film festival sa buong mundo.

Ngayon lang nagkaroon ng isang Pilipino na nanalong best actress sa Cannes. Dahil sa panalong iyan, masasabi nga natin siguro ngayon, kagaya rin ng paniniwala ng iba, na siya ang premiere actress ngayon ng bansa.

Talo niya si Nora Aunor na pumarada rin sa Cannes pero hindi na-consider. Ang mga panalo ni Nora sa abroad ay sa mas maliliit na film festivals lamang. Ang kinikilala lang namang malaki talaga ay ang Cannes at ang Berlin.

Pero kagaya rin ng mga pelikula ni Nora Aunor, matapos na manalo ni Jaclyn Jose, ano ang katiyakan na ang pelikula niyang iyan ay tatangkilikin ng mga Pilipino oras na iyan ay ilabas sa mga sinehan dito sa ating bansa? Ang pelikula rin ni Brillante Mendoza kung saan siya naging best director sa Cannes ni hindi yata naipalabas commercially dito sa Pilipinas.

Iyan ang problema ng mga award-awards. Nananalo tayo hanggang sa abroad, pero ang mga nananalong pelikula at mga artista ay hindi makakuha ng sapat na suporta mula sa masa. Dito kasi sa atin hindi na halos pinapansin ang mga award. Dahil siguro iyan sa dami ng nagbibigay ng local awards, at dahil na rin sa talamak na usapan ng anomalyang nangyayari sa mga local award natin. Ngayon pati mga iskuwelahan may sarili ng awards. Kulang na lang na magbigay din ng awards ang Quiapo Sidewalk Vendors Association, at iyong mga transport groups din kagaya ng Piston at Fejodap.

Maganda ang mga award. Malaking karangalan iyan. Pero hanggang iyang mga award na iyan ay hindi natin nagagamit para makuha ang suporta ng manonood sa a­ting bansa, bale wala iyan. Kahit na anong awards pa iyan, basta nasabayan ka ng JaDine o AlDub, tapos ka.

Sasabihin ninyo ngayon mababaw ang kaisipan ng mga Pilipino? Sasabihin na naman ng mga elitista at kabilang sa oligarkiya na ang Pinoy ay “bakya crowd”. Pero hindi ninyo sila masisisi. Nagbabayad sila sa sinehan para sila ma-entertain. Hindi sila nagbabayad sa sinehan para panoorin ang mas marami pang problema sa buhay.

Nalusutan daw ng mga nagbebenta ng droga... Dalawa sa limang patay sa concert sa Pasay, inatake sa puso

Mabilis na nagpahayag ang sponsors at organi­zers ng Close Up Forever Summer concert sa Pasay kung saan may limang taong namatay, na tiniyak nila ang kaligtasan ng lahat sa kanilang event. Hindi rin nila inaasahan ang nangyari. Ganoon pa man ay sinabi nilang nakahanda silang tumulong sa pagpapagamot ng mga naapektuhan at paglilibing ng mga namatay.

Ayon sa initial report, ang dalawa ay namatay sa “massive heart attack”. May mga report ding naging talamak daw ang alak, at may bulungan pang may droga sa nasabing concert.

Aminin naman natin na nangyayari naman talaga iyan. May nakakapagpuslit ng mga droga sa mga concert na kagaya niyan, at may bumibili naman talaga at gumagamit ng droga.

Isang katotohanan din, na base sa medical stu­dies na ang masyadong malakas na sound ay may epekto nga sa kalagayan ng puso ng isang tao.

Hindi natin mapipigil ang mga concert at rave parties na kagaya niyan. Hindi naman ibinabawal ng batas iyan. Pero kailangan nga sigurong maging mas maging mahigpit pa ang mga batas. Siguraduhin din namang hindi magiging siksikan ang mga tao sa ganyang mga concert na wala na halos magalawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with