^

Pang Movies

Babaeng palamura sa video sa trahedya sa Forever Summer party, hinahanap!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May kumakalat na video ng mga nangyari sa Close Up Forever Summer event sa Mall of Asia Grounds noong Sabado at Linggo.

Makakatulong sa police investigation ang video para matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng limang tao na dumalo sa event na  nagsimula noong Sabado ng gabi at natapos Linggo ng madaling-araw.

Mapapanood sa video ang isang babae na nagmumura at nagbanta na isusumbong niya kay incoming President Rodrigo Duterte ang mga ginagawa ng mga tao sa kanyang paligid.

Tiyak na makapagbibigay ng impormas­yon sa mga pulis ang palamura na babae kapag napangalanan ito at natukoy ang kinaroroonan niya.

Nakikisimpatiya ako sa mga magulang na nagdurusa dahil sa senseless death ng kanilang mga anak. Dapat managot sa batas ang may kagagawan sa pagkamatay ng mga biktima.

Sure ako na may mga artista na dumalo sa event ng Close Up dahil todo-promote sila sa kanilang mga social media account. Huwag tayong magtaka kung biglang nawala ang kanilang mga post dahil naloka sila sa naganap na trahedya.

Walang kasalanan sa nangyari ang mga orga­nizer ng event na nangako na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon para managot ang mga may kasalanan.

Tama talaga ang kampanya ni incoming President Rodrigo Duterte na sugpuin ang mga drug pusher dahil sila ang isa sa mga salot sa bayan. Lalong dumami ang sumusuporta sa advocacy ni Papa Rody dahil sa nangyari sa okasyon ng Close Up.

Kahit nasa Cannes, Andi apektado sa trahedya sa concert

Ikinalungkot ni Andi Eigenmann ang balita tungkol sa mga binawian ng buhay sa Close Up event.

Kahit nasa Cannes International Film Festival si Andi pero updated siya sa mga nagaganap sa Pilipinas.

Maligayang-maligaya si Andi dahil sa best actress award na napanalunan ng kanyang nanay na si Jaclyn Jose sa 69th Cannes Film Festival noong Linggo pero nabahiran ng lungkot ang pagsasaya niya dahil sa Close Up event tragedy.

Sen. Jinggoy gustong ipa-preview ang pelikula

Type ni Senator Jinggoy Estrada na magkaroon ng press preview ang Tatay Kong Sexy pero hindi pa kasado ang plano.

Kung matuloy man ang press preview, hindi makakadalo si Papa Jinggoy dahil nakakulong siya sa PNP Custodial Center pero puwedeng umapir ang mga co-star niya sa pelikula gaya ng kanyang anak na si Jolo Estrada na introducing sa Tatay Kong Sexy.

Next week, June 1, ang showing ng Tatay Kong Sexy sa mga sinehan at ito ang pre-Father’s Day presentation ni Papa Jinggoy.

Busy nga pala si Jolo sa klase nito sa Enderun College kaya hindi pa siya nakakausap ng entertainment press.

Huling nakakuwentuhan ng mga reporter si Jolo sa shooting ng Tatay Kong Sexy sa Dapitan, Quezon City pero matagal na ‘yon as in buhay pa si Mark Gil na isang taon at walong buwan nang namamayapa.

Kung hindi ako nagkakamali, talent si Jolo ng Star Magic, pati na ang kanyang kapatid na si Julian pero mas nauna ito na nagkaroon ng pelikula.

Mahusay si Julian sa role nito sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig at alam ko ang sinasabi ko dahil napanood ko sa Cinema One ang pelikula, not once but twice.

Malalaman natin kung sino kina Jolo at Julian ang mas magaling na aktor kapag ipinalabas na ang Tatay Kong Sexy sa mga sinehan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with