^

Pang Movies

Kahit nananahimik sa Hawaii AiAi tinalakan si ‘Kris’!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Buhay na buhay pa rin ang impersonators ni Kris Aquino kahit pansamantala siyang nananahimik sa Hawaii. Kung may Angelica Panganiban sa Dos, meron namang Barbie Forteza sa Sunday PinaSaya.

Eh sa episode kahapon ng GMA Sunday show, kasama si AiAi delas Alas sa segment kung saan join din si Barbie bilang Kris at si Wally Bayola naman bilang Boy Abunda.

Alam naman ng marami na matagal nang hindi magkasundo sina AiAi at Kris. Kaya naman kahit impersonator lang eh, parang totoo ang pagtataray ni Ai kay Barbie as Kris, huh!

Pero ang biggest winner sa segment ay si Jose Manalo bilang si Rodney Juterte! May bago na namang character na pagkakakitaan si Jose, huh!

Anne at Erwan kasal na lang ang kulang

Lovely couple rin sina Anne Curtis at boyfriend na si Erwan Heussaff na kapwa dumalo sa kasal nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa France last Saturday.

Very sweet ang mga pose nila sa Instagram account ni Anne at kulang na lang talaga sa kanila ay kasal. Hindi nga lang puwede this year at bawal ang sukob sa taon ayon sa pamahiin.

Eh, hindi na rin bumabata si Anne, huh! Sige siya, baka mawala pa sa kanya si Erwan, huh! Ha! Ha! Ha!

Aicelle inoperahan sa lalamunan

Vocal fold surgery pala ang isinagawa kay Aicelle Santos kaya ilang weeks din siyang nawala bilang Traffic Diva sa Eat Bulaga. Humiling ng dasal ang Kapuso singer-actress sa Instagram post niya last May 21 na maging maayos ang kanyang lagay after ng surgery.

Post ni Aicelle, “Namimiss na ang mga dabarkads at ang corner na ito..After vocal fold surgery mag-iingay at kakanta ulit! Sama(han) niyo po ako sa inyong mga dasal. Receiving Your miracle and healing Father, in Jesus’ name. Amen.”

At least, merong isang Mark Zambrano na mangunguna ng dasal kay Aicelle. Last May 19, nagdiwang sila ng kanilang first monthsary, huh! Nilalanggam nga sa kaswitan ang mga post nila kesehodang hindi na bagets ang AiMark, huh!

Kagaya ni Ruffa, Dawn at Kris biktima rin ng pamemeke

Nawindang si Ruffa Gutierrez nang may lumabas sa isang site na nilayasan na niya ang Cosmo Skin. Meron pa siyang quotation na, “I can’t work for a company that rips people off. It’s time to tell the truth, starting with what they told me to use!”

Naghuhumindig na, “FRAUD!!!!’ ang buwelta ni Rufing. “Please spread the word!!! PLEASE REPORT THIS SITE…I only trust #cosmoskin #teamgutierrez.”

Sa komento naman ng isang follower ni Ruffa, hindi lang daw siya ang ginagamit kundi pati na sina Dawn Zulueta, Kris Aquino, etc. Payo pa nito, dapat niyang kasuhan ang manufacturer ng brand.

Kung kailan nagpu-promote ng Cosmo Skin sa Cebu si Ruffa at itinaon ang paglabas ng site na ‘yon na lumayas na siya bilang endorser, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with