Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

John Lloyd sinaktan noon ni Kaye!

Did we hear it right that in their teenage years, nanligaw si John Lloyd Cruz kay Kaye Abad?

Ito ‘yung mga panahong magkasama pa sila sa Tabing Ilog, a top series na lahat ng artista ay mga baguhang talents ng Star Magic, ang discovery at talent arm ng ABS-CBN, ay kasama sa cast.

Ewan kung aaminin ni John Lloyd na dinamdam niya ng labis nang ang maging escort ni Kaye nang mag-debut ito ay hindi siya kundi si Patrick Garcia.

Well, now, of course, common knowledge na it’s just a matter of time at magpapakasal na si Kaye sa kanyang fiancé na si Paul Jake Castillo, na dating Pinoy Big Brother (PBB) Double Up housemate.

Pormal nang nag-propose ng marriage si Paul kay Kaye. Na, with tears in her eyes, ay tinanggap naman ng dalaga.

Patrick, we all know, is married na rin and has two daughters. With Jennylyn Mercado, Patrick has a son, who’ll soon turn eight years old.

In the case of John Lloyd, kabi-break pa lamang niya at ni Angelica Panganiban.

Gumaganti? Angelica dala-dalawa agad ang lalaki

Of Angelica, may balitang may pagsasamahang pelikula sila nina Dingdong Dantes and Paolo Avelino, as her leading man.

At ang title ng pelikula ay The Unmarried Woman.

Nakaiskor na ng isang movie si Angelica kay Dingdong, titled One More Try, with Angel Locsin and Zanjoe Marudo, at unang beses naman niya ito kay Paolo.

Angelica was last seen in the top TV series, Pangako Sa ‘Yo. At napapanood weekly sa Banana Sundae.

Celeb endorsers ng Avon pinasaya ang mga dealer

Wow, Salve A., wari mo’y may nagaganap na gathering of beauties sa PICC (Philippine International Convention Center) noong Miyerkules.

It was the Sales Leader’s (SL) Congress Gala Night ng Avon, an international top leading brand in pre-selling and all of their endorsers, well, almost, were in attendance.

Kaya, nandun sina Angel Locsin, Ruffa Gutierrez, Jessy Mendiola, Iza Calzado at Jennylyn Mercado.

Sa kanilang male endorsers, tanging si Ian Veneracion ang aming namataan. Bagama’t darating din daw si Richard Yap, who marked his 49th birthday on that day.

Dumating lahat ng mga sales leader ng branch. And they were all in their best toga.

Like all the other celebrity guests, they were all given VIP treatment.

Ian ginawang nanay si Vilma nu’ng dalaga pa

Of Ian, we had a brief talk with him and excitedly he told us that any time soon, magsisimula na silang mag-shooting sa pelikula kasama nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

The film which Star Cinema will produce, is his first for quite a while.

Nagkasama naman sila ni Jodi sa seryeng Pangako Sa ‘Yo, na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Now 44 years old, Ian started in showbiz as a child actor. Do you know that in one of his movies, Never Ever Say Goodbye, when he was probably eight years old, gumanap siya bilang anak ni outgoing Batangas Governor Vilma Santos-Recto, na ngayon ay Batangas Representative na ng Lipa.

“Pero, ang bata pa din noon ni Ate Vi,” ani Ian. “In fact, dalaga pa siya.”

Like Ate Vi, Ian is happily married, too. His eldest kid is in college.

Of course, we all know that Ate Vi’s eldest son, Lucky or Luis Manzano, is in his 30s.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: