^

Pang Movies

Dennis naglaway sa bikini ni Kim!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang bilis ng pagsikat ng bagong Kapuso sexy star na si Kim Domingo.

Bukod kasi sa napakaganda ng mukha nito (she reminds us of a young Gretchen Barretto during her Regal baby days) ay sobrang sexy pa nito.

Si Kim nga ang magpapainit gabi-gabi sa bagong primetime teleserye ng GMA 7 na Juan Happy Love Story.

Gagampanan ni Kim ang papel na Agatha, ang business partner ni Dennis na kababaliwan niya dahil sa kakaibang alindog nito.

Sa unang taping day pa lang daw ni Kim ay pinasuot na siya ng pulang bikini.

“‘Yung unang pagkikita namin ni Dennis ay aahon ako sa pool, gano’n ‘yung eksesa.

“Aahon ako, magugulat sila doon, and then bam! Hindi nila expected na ako ‘yung magiging ka-deal nila, ka-meeting nila.

“Yun ang first meeting namin. Magiging magka-business partner na kami,” ngiti ni Kim.

Hindi naman daw kinabahan si Kim sa kanyang pagpapa-sexy agad sa teleserye dahil sanay na raw siyang magsuot ng bikini.

Naging cover girl na si Kim ng FHM noong 2015 at mas sexy pa ang suot niya kumpara sa pulang bikini na suot niya sa teleserye.

Mas kinabahan daw si Kim sa magiging reaction ni Dennis sa kanya. First scene nila kasi together iyon at halos wala pa siyang suot na damit.

“Natatawa lang ako sa reaksyon ng mukha ni Dennis!

“Yung reaction niya kasi lagi parang nag-iimagine siya. Yung nagpapantasya siya.

“Kumbaga ako, noong una kasi wala pa kong gusto sa kanya. As in business lang talaga. Pero siya, iba ‘yung nasa isip niya. Nag-i-imagine siya,” tawa pa ni Kim.

French-Filipino si Kim kaya kahali-halina ang ganda niya. Panghihinayang lang ni Kim ay hindi raw niya nakilala ang French dad niya dahil sa Pilipinas na siya lumaki kapiling ang kanyang ina at lola sa Cebu.

Sumali rin pala siya sa Little Miss Philippines at naging daily winner.

Ngayon ay regular din napapanood si Kim sa Bubble Gang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with