^

Pang Movies

Coco lumarga uli para kay Grace!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Muling sinamahan ng Idol ng Masa na si Coco Martin si Sen. Grace Poe sa pangangampanya sa Bulacan nitong Biyernes (May 6).

Hindi natinag ang suporta ng bida ng No. 1 show sa primetime na Ang Probinsyano kay Grace kahit pa dehado sa mga survey sa karera ng pagka-pangulo ang senadora.

“True friends show their love in times of need and not just during happiness. Thanks, Coco, for being a true friend #POE2016,” sey ni Grace sa kanyang Instagram account kasama ang picture nila ni Coco.

Ani Grace, pinapahalagahan niya ang mga tagasuporta na totoong naniniwala sa kanyang ipinaglalaban kaysa doon sa mga sumusuporta para lamang malagay sila sa poder ng kapangyarihan.

“For me, it is even more meaningful because you know that they are with you not just because of the expediency but because of their principles, their beliefs in your platform, and that’s more long lasting,” sabi ng anak ni Da King Fer­nando Poe Jr. at Ms. Susan Roces.

Nauna nang sinabi ni Coco na ikinakampanya niya si Grace hindi dahil sa pagiging malapit niya kay Susan na gumaganap na kanyang Lola Kap sa Ang Probinsyano.

Sey ni Coco, nakita niya kay Grace ang mga katangiang hinahanap niya para sa susunod na pangulo ng bansa. Ito ay ang dunong, tapang, may paninindigan, marunong makinig, buo ang pamilya, hindi trapo at higit sa lahat ay may puso.

Jessy at JC walang iniisip na iba ‘pag magkasama!

Dahil kinakitaan ng lakas ng che­mistry ang tambalan nina JC de Vera at Jessy Mendiola sa katatapos lang na seryeng You’re My Home, may follow-up projects agad ang dalawa. Mapapanood sila starting this Sunday sa Wansapanataym Presents Just Got Laki at bukod dito ay may nilulutong pelikula para sa kanila ang Star Cinema.

Ayon kay Jessy sa presscon ng Wansapanataym held last Thursday, after You’re My Home ay talagang looking forward daw silang dalawa ni JC na magkasama ulit.

“Pagkatapos po ng You’re My Home, nag-usap na kami ni JC na ‘uy, sana, magkaroon pa tayo ng projects na magkasama, no?’ Kasi, parang doon ko na-test sa You’re My Home ‘yung pagiging comfortable namin sa isa’t isa.

“Sayang naman po kung hindi makikita ng ibang tao kung ano pa ‘yung kaya naming gawin na magkasama. Kung baga, na-try na namin ‘yung drama, ano kaya kung iba naman, kung romantic-comedy o kaya light. So napag-uusapan namin na sana marami pa kaming projects together,” pahayag ni Jessy.

Ayon naman kay JC, “masarap talaga sa pakiramdam na mayroon kang katrabaho na sobrang komportable ka. ‘Yung walang issues, alam mo ‘yun? Pag nasa work lang kayo, talagang masaya lang kayo, kumportable, walang iniisip na iba.”

Dahil nga sa kakaibang chemistry nila ay marami ang nag-speculate na may something special na sa kanila at nagsimula na silang tuksuhin at i-link.

Kaya since then ay tinatanong sa kanila kung ano ba ang real status sa kanila, kung nagliligawan na ba sila, nagde-date or sila na ba.

Pero say ng dalawa, basta sa ngayon daw ay super-comfortable lang sila working with each other at wala pa sila sa ganung lebel.

“Nagpe-pray pa kami ng marami-raming projects pa,” natatawang sabi ni JC.

Hindi naman daw sarado ang pintuan nila para sa isa’t isa kung sakali especially na pareho naman silang single ngayon.

Jennylyn solid Kapuso pa rin

Dahil nga nagsimula nang mapanood si Jennylyn Mercado sa Star Cine­ma movie, nagtatanungan ang kanyang fans kung lilipat na raw ba ang aktres sa bakuran ng ABS-CBN.

Once and for all ay nilinaw ito ni Jen nang makausap namin siya sa taping ng cooking show niyang Dishkarte of the Day sa GMA News TV. “Ay hindi naman po (ako lilipat). Matatapos na po siya (kontrata sa GMA-7) ngayong May. Pero wala pa naman po,” she said.

May ino-offer naman daw na renewal ang GMA 7 pero hindi pa raw nila napag-uusapan.

Pero pipirma ba siya ulit?

“Oo naman,” sagot ng aktres.

May balitang gagawin niya ang Pinoy version ng Korean hit series na My Love From Another Star with Alden Richards pero hindi pa ito makumpirma ni Jen at ang nasambit na lang niya, “sana matuloy”.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with