^

Pang Movies

Ingat na ingat Janet Jackson buntis sa edad na 49!

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaya naman pala nag-cancel ang pop superstar na si Janet Jackson ng kanyang concert tour ay dahil buntis pala ito.

Inamin na ng 49-year old singer na buntis siya at ito ang magiging unang baby niya sa kanyang mister na si Wissam Al Mana.

Hindi nga makapaniwala si Janet dahil turning 50 years old na siya on May 16 pero isang milagro na nabuntis pa siya sa unang pagkakataon.

Ayon sa report ng E! ay nasa second trimester na ang pagbubuntis ni Janet at panay ang patingin nito sa isang fertility specialist para sa kaligtasan ng kanyang pagbuntis.

Aware si Janet na ang mabuntis sa edad niya ay medyo delikado na kaya maingat siya sa kanyang pagkilos.

Isang dahilan ito kung bakit kinansela lahat ng tour dates niya for the year pagkatapos niyang mag-stage ng comeback noong nakaraang January 2016.

Noong 2012 kinasal si Janet sa billionaire Qatari businessman na si Al Mana. Nakadalawang failed marriages na si Janet in the past. Una siyang kinasal kay James DeBarge in 1984 at pangalawa naman kay Rene Elizondo, Jr. in 1991.

Sa dalawang marriages ni Janet ay hindi siya nagkaroon ng anak.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with