^

Pang Movies

Sharon ayaw munang umepal sa pagluluksa ni Zsa Zsa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isang thanksgiving dinner ang ipinag-imbita ni Sen. Kiko Pangilinan and wife Sharon Cuneta sa entertainment press, sa pagtatapos ng kanilang kampanya bilang senador ulit and former Agriculture Secretary. 

Malakas ang laban ni Kiko na nasa top five sa surveys. “Hindi ko alam noong una na kakandidato si Kiko, pero nang malaman kong tutuloy siyang mag-Senador muli, sa likod na lamang niya ako at ang mga anak namin,” maikling kuwento ni Sha­ron.  “Sinamahan namin siya sa paglilibot sa bansa, sa pa­ma­magitan ng aming caravan. Kaya nagpa­pasalamat kami sa magan­dang pag­tanggap sa amin kahit saan kami nagpunta.”

May mga guest singers si Senator Kiko na nag-provide ng music and entertainment sa lahat ng mga guests habang kumakain ng dinner.

Since naroon na nga si Sharon, hindi naman siya umiwas sagutin ang tanong sa kanyang best friend, si Zsa Zsa Padilla at sa paghiwalay nito kay Arch. Conrado Onglao.  Ano ang naging reaction niya nang mabalitaan niya ang pakikipaghiwalay ni Zsa Zsa?  Nakausap na ba niya ang singer-actress?

“Hindi ko pa ma-text kasi kanina ko lang nalaman,” sagot ni Sharon.  “Pareho ko silang kaibigan pero mas close sa akin si Zsa Zsa.  Of course I’m sad for a friend who I am expecting is going thru some heartaches now.  Kapag ganun, you don’t bo­ther them muna.  You give them a period to mourn.  Huwag ka munang papasok.  Let them ano... after a while then you can ask a little.  Hindi kasi ako mapapel, I don’t want to interfere muna.”

May idea ba siya sa pag-atras ni Zsa Zsa sa wedding na this year sana magaganap?

“No.  None at all.  Kanina ko lang nalaman.  So, ‘yung statement lamang ni Karylle, ‘yun din ang na­rinig ko.  I don’t want to ask muna.  Parang may pinagdaraanan iyong tao tapos mangingialam ka pa?  So, ayoko muna.

“I know they have a wonderful...more than a year together.  So there are relationships that come and go.  There are relationships that come and stay, so we don’t know pa naman if its meant to be or not.  So, sa kanila na muna iyon.”

May isa pa raw sorpresa si Sharon, pero ayaw muna niyang sabihin kung ano, baka raw magalit si Ms. Malou Santos ng Star Cinema.  So movie ito, sino naman kaya ang katambal niya?

Maine sinopla ang isyung pag-alis sa EB!

Kumalat noong Wed­nesday ang balitang aalis daw sa Eat Bulaga si Maine Mendoza na siyem­pre ay ikinagulo na na­man ng AlDub Nation o ng kanilang fans ni Alden Richards, ang ADN, nataon pa naman na 10th monthsary ni Maine sa show na nagsimulang ma­kilala noong July 4, 2015. 

Mabuti na lamang at madaling nakarating iyon sa EB kaya si Maine, sa pamamagitan ng EB Fanpage video, madali niyang sinagot ang balita:

“Hindi totoo na aalis ako sa EB, sorry sa mga bashers, dito lang po ako.”

Parang hindi nag-isip ang nang-bash na walang magawa, no problem si Maine sa show, meron pa siyang Alden Richards na sabi ni Jose, hindi na mapipigilan ang love nila sa isa’t isa, at paalis na sila next week for Italy para sa solo movie na gagawin nila roon, produced by APT Entertainment, Inc. and GMA Films and under the direction of Michael Tuviera, para sa first anniversary presentation ng AlDub sa July, 2016.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with